Quantcast
Channel: modernong pluma
Viewing all 32 articles
Browse latest View live

One Morning of July - 11

$
0
0
(image credit kay idol melala)

***

Magic. Sa mga oras na 'to para akong batang giliw na giliw sa panonood ng mahika. Ang pagsasabing mahal nya ko ay katumbas ng pagpapalabas ng kuneho sa hat. Naaliw ako sa part na kung paano nagkasya ang kuneho sa loob. Parang noong sinabi nyang mahal nya ko, hindi ako makapaniwalang ang mukhang kunehong tulad ko ay may puwang sa puso nya. Nagulat ako. Natuwa. Sa iilang pirasong salita lang na-stuck na ko. Parang abrakadabra. Automatic napangiti ako. Pero katulad ng mahika, napaisip ako kung totoo ba yun o hindi. Nagtatalo sa isip ko kung part pa ba ng plano nya ang pagsasabing mahal nya ko, o kung mabisa lang talaga ang dimple ko. Hindi ko magawang maniwala ng buo sa isang mahikang alam kong may kakambal na pagbabalat-kayo. Si July ay parang isang magic show. Package ng tuwa, saya, at pakikipaglokohan.

"Noel, sorry.." napakayuko sya bago lumabas ang sorry sa bibig nya. Ewan ko lang kung iiyak sya at ayaw nyang ipakita. "Wala akong choice."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Noong time na nalaman ko ang plano ni Dad, sinubukan ko na lahat ng paraan para pigilan pero hindi sya nakikinig." dugtong nya.

"If everything else fails, mayroong Noel?"


"Hindi sa ganun! I was desperate. Siraulo na kung siraulo, pero hindi ako papayag na makasama ang lalaking 'di ko naman mahal. At first, nakaplano talaga ang lahat pero habang tumatagal hindi ko na naiwasang mahulog. You saved me.."

Sira nga ang ulo. Kumpirmado. Pero kung mas may sira pa ang ulo sa kwentong 'to, malamang ako yun. Hindi ko alam kung paano nya ko napapaniwala sa mga sinasabi nya. Sabi ko lang dati, cool ang relationship kung magsisimula sa kakaibang twist. Yung tipong hindi mo inaasahan. Hindi mo aakalain. At hindi mo makakalimutan, na kahit tumanda kana sa tuwing sisingit sa ala-ala mo kasabay ng paghigop mo ng kape, kahit mapaso ang dila mo ay mapapangiti ka pa din. Pero iba ang kalibre ng sa amin ni Marta. Umpisa palang mapapamura ka na.

"I saved you, and you killed me. Paano kung malaman ni Mr. Reonico? Hindi lang ikaw ang bida sa kwentong 'to para maging sayo ang lahat ng problema." napalakas ang tono ng boses ko. Hindi ko napansin ang dahan-dahang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. Mabilis nya iyong pinunasan. Pinipilit magpakatatag. "Hindi mo maitatago habang buhay ang isang kasinungalingan. Lalabas at lalabas ang katauhan ko kung mangyari 'yon. Hindi lang iisang bagay ang mawawala sa akin, at hindi lang--"

"Nag-sorry na ko! That's it! Nangyari na yun! My fault! Ano pa ba gusto mong marinig? Bakit ba ang hirap mong mahalin.." bumabaw ang huling linya nyang binitiwan.

Napalunok ako. Hindi ko na naman naiwasan ang pagbagsak ng Tower of Pisa. Sa pangalawang pagkakataon nagpakita na naman ng magic si Marta. Bagong trick. Ang masaklap, makatotohanan. Galit nyang inagaw sa akin ang jacket. Pipigilan ko sana kaso mabilis ang kanyang pagkilos. Tahimik syang tumalikod, at kahit paghinga ay hindi ko naramdaman sa kanyang pag-alis.

Sinundan ko sya hanggang makalabas kami ng gusali. Pinilit kong magsalita pero wala akong maisip na magandang sasabihin. Guilty ako. Hindi dahil sa mga sinabi ko. Kundi dahil hindi ko nasabing lahat ng gusto kong sabihin, na sa tingin ko ay makakatulong sa kanya. Huminto sya sa sakayan. Tumayo lamang ako sa likod nya. Alam kong pasimple nya kong tinitignan kapag lilingon ako sa kabilang side ng kalsada. Parang larong pikit-bukas na legal ang pagnanakaw ng tingin. Nag-aabang siguro kung pipigilan ko sya.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ko.

"Uuwi na.. May sasabihin ka pa?"

"Pwedeng sumabay?" biro ko. Tumingin lang sya ng saglit, at ibinalik ulit sa pag-aabang ng taxi ang mga mata.

"Bakit?"

"Anong bakit?! Gusto ko lang masiguradong makakauwi ka ng maayos"

"Ngayon concern ka bigla?" pinara nya ang nagdaang taxi pero hindi huminto. Natawa ako pero di ko pinahalata.

"Mahirap na, baka may maisip kana namang hindi maganda," hinila ko ang braso nya. Walang bakas ng pagtanggi o pag-iwas. "May iba ka pa bang plano?"

"Suicide?" nakangiti nyang sagot.

"Except yun."

"Seryoso ako! Pipigilan mo ba?"

Pinara ko ang paparating na taxi. Natigilan sya sa ginawa ko. Halata sa mukha ang pagtataka. Binuksan ko ang pinto sa likod. "Boss, ihatid nyo na kami ng babaeng 'to. Balak nya kasing magpakamatay!" wika ko sa driver. Tumawa lang ito ng malakas at sumenyas na okay.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" tutol nya sa sinabi ko.

"Sa malapit na sementeryo sir!" utos ko sa driver.

"Sira ka talaga! Sira!" itinulak nya ko papalayo. Galit na inihagis ang kapares ng suot nyang high heels sa akin. Naglakad papalayo sa kinatatayuan ko. Yung driver ang sarap lang busalan ng sapatos sa bibig sa lakas ng tawa.

"Akala ko pipigilan mo ko! Yun pala pauunahin mo pa ko!" parang paslit lang kung magsisigaw sa umagaw ng kendi. Gusto ko tumawa ng malakas dahil masahol pa sa spolarium kung ide-describe ko ang kanyang itsura. Kaso mahirap na baka ituloy nga ang plano.

"Sino ba nagsabing solo ka?!" sigaw ko.

"Eh, ano sasama ka?!"

"Hindi naman lang ikaw ang inlab dito 'di ba?!" kamot ulo kong sagot.

Napalakas yata ang sigaw ko. Kahit ang mga nagdaraan napilitang maki-isyoso. Nakakatawa mang pagmasdan, mas okay na siguro keysa sa dalawang pusang naghaharutan. Itinaas ko ang kanyang sapatos. Iwinagayway.

"Paano 'to? Mahirap maglakad ng hindi pantay ang hakbang." biro ko. Ngumiti lang sya.

Magic. Namangha ako ng inilabas ang kuneho sa loob ng hat. Hindi ko na inisip kung paano nangyari ang lahat, o kung anong trick ang ginamit. Importante sumaya ako, naaliw. Tulad ng kung anong mayroon sa amin Marta. Bahala na kung anong klaseng gulo ang papasukin ko, ang mahalaga'y nalaman kong ang magic ay hindi laman sa sikretong nakatago dito. Kundi sa ligayang ibinibigay nito.

---

"Hello Houston!"

Wala pa din ako sa Houston. Ring tone pa din yun ng phone kong nakikipag-unahan sa tilaok ng manok. Daig pa ng tumama sa lotto ang ngiti ko ng maabutan ko ang sulat sa tabi ng unan. Wala na si Marta. Kung nasaan sya, ay hindi ko na alam. Ang gusot na lamang ng kumot ang nag-iwan ng kanyang bakas. Nakangiti kong binasa ang sulat.

"Thanks and sorry! Call me, kapag na sa office ka na. Nga pala, I need to borrow your rubber shoes. Masakit pala ang high heels"

Unlimited ang sigla sa katawan ko. Ngayon lang yata ako nagkaroon ng excite sa pagpasok ng trabaho. Kinumbinsi ko ang sarili na magiging maayos ang sa amin ni Marta bago ako humakbang papalabas ng pinto. Buo na ang plano ko, kahit hindi pa nya alam. Alam kong mahirap ang gusto kong mangyari, pero ang pakikipag-usap lang kay Mr. Reonico ang pinakamagandang paraan. Mas mainam pa yun keysa sa naunang plano ni Marta, na hindi ko alam kung paano pinag-isipan.

Napahinto ako sa paghakbang ng may biglang tawag. Nanglaki ang mga mata ko ng idinikta ng phone ko ang numero ni erpats.

"Dad! Kamusta? Biglaan yata ang tawag mo?!"

"Noel! Pwede mo ba kaming sunduin sa terminal? Malapit na kami ng Mommy mo eh" dinig ko sa kabilang linya ang tinig ni ermats na nangungulit pa para makausap lang ako.

"Ano?! Agad-agad? Anong meron?" sunod-sunod kong tanong.

"Bawal ka bang dalawin?!" sarkastikong sagot ni dad. "Hindi kaya may naistorbo kaming kaganapan ngayon dyan? Tapusin nyo muna, bago ka umalis. Makakapaghintay naman ang mommy mo"

"Ano ba kayo?! Paalis na ko, daanan ko kayo bago ako pumasok ng trabaho" sagot ko.

Kakamot-kamot ako ng ulong sumakay. Busy pa sa langgam ang mga magulang ko pagdating sa negosyo nila, kaya nakapagtataka ang biglaang pagsulpot. Abot-langit ang panalangin kong walang kinalaman ang pagpapauwi sa akin sa probinsya para gawing taga-bilang ng mga baka, manok, at baboy. Negosyong hindi ko pinangarap maging tagapag-mana, kaya ng makatapos ng pag-aaral, eskapo agad papuntang maynila.

Nag-iwan ako ng mensahe kay Marta, para sabihin ang biglaang lakad. Mahirap na, baka biglang maisipang makipag-break agad sa akin. Hindi ko pa naman na-eenjoy ang magic smile nya. Wala pang limang minuto may reply na.

"Okay, ingat! I'll wait you nalang sa clinic."

tbc..




Pa-pulitika muna. Pakisuportahan naman ng dalawang entry ko sa Saranggola Blog Awards. i-like lang ang dalawang piktyur. Maraming salamat!




Fire Exit

$
0
0
Nabigla ako sa maagang pagpasok ni Sherwin na kadalasan ay palaging isang oras na late. Naabutan ko syang naglilinis ng kanyang cabinet sa pribadong kwarto na para lamang sa mga empleyado. Tinapik ko sya sa balikat at nginitian, ngunit hindi sya nagsukli ng anumang reaksyon. Malungkot at nakakabahala ang kanyang anyo na hindi naman bago sa kanya, dahil sa gabi ang kanyang duty bilang karelyebo kong gwardya sa isang private company.


"Resign na ko bro," mababaw ang kanyang tono.

Nagulat ako sa pahayag nya. Isang buwan na kaming magkasama, at ni isang reklamo ay wala akong narinig galing sa kanya. Liban nalang ngayon. Kapansin-pansin din ang biglaang pagbagsak ng kanyang pangangatawan at paglubog ng kanyang mga mata.

Hindi na sya nagsalita. Tulad ng ginawa ko, tinapik nya ko sa balikat at niyakap. Gusto ko sanang mag-usisa, kaso mukhang personal ang isyu.

"Sabi ni boss, darating daw ang kapalit ko bukas. Kailangan mong mag-straight ngayon." wika nya bago isara ang pinto.


Sa lahat ng oras ng duty, pang-gabi ang inaayawan ko. Hindi dahil sa ayokong mapuyat, o maboring. Ang kawalan ng makaka-usap sa panggabing trabaho ang kinaiinisan ko. Ayoko sa pakiramdam na parang ako na lamang ang tao sa mundo. Wala akong choice. Humihingi ng straight hours ang paglisan ni Sherwin. Mabuti na lang at nasira ang mic ng kapitbahay at hindi nakapag videoke.

"Goodnight Ma'am!" bati ko sa huling empleyadong lumabas. Isinulat ko sa record ang oras ng kanyang pag-alis. Eksaktong alas diyes. Overtime.

Maaga pa, pero dinadalaw na ko ng antok. Napilitan tuloy akong iwan ang aking pwesto at pumunta ng pantry para magtimpla ng kape. Dumaan ako ng fire exit para makarating sa unang palapag. Bawal na kasi ang paggamit ng elevator pagpatak ng alas nuebe. Dahan-dahan kong tinulak ang may kabigatang pinto. Lumikha ito ng ingay na nag-echo sa fire-exit. Bago pa tuluyang maglaho ang tunog ay magkakasunod na hagikhikan ang aking narinig.

"May tao pa ba dyan?" tanong ko kahit hindi siguradong may sasagot.

Malinaw ang tawa na narinig ko. Animo'y binibitay sa kiliti. Dumiretso agad ako ng pantry bago pa tumayo lahat ng balahibo ko sa ilong. Napilitan akong gumamit ng elevator pabalik sa ground floor, patungo sa pwesto ko. Natawa ako sa ginawa kong pagmamadali na halos matapon pa sa uniporme ko ang kape. Naisipan kong isulat sa likod ng record book ang naranasan ko, pero bago pa dumikit ang tinta ng ballpen sa pahina ay nanlaki na ang aking mga mata. May kapirasong papel na nakaipit sa pangalawang pahina mula sa likod.

May liham pala si Sherwin na naiwan. Naka-address pa ito sa akin. Binuksan ko agad. Naglalaman ito ng patungkol sa kanyang mga karanasan sa pagdaan sa fire exit. May katagalan na ang petsa. Nakakatawang isipin na hindi ko man lang napansin iyon. Dahil na din siguro sa pagiging abala sa pagbati sa mga guest tuwing umaga, kaya 'di ko naisipang magkalkal.

Kinabukasan, kahit puyat ay maaga akong dumating sa trabaho. Sa manager's office ang diretso ko. Bitbit ang liham na aking natuklasan at ang sulat na nagpapahayag ng aking tuluyang pagreresign. Inabangan ko munang umalis ang bisita bago ako pumasok. Sinalubong ako ni Mr. Roque ng isang masiglang ngiti. Kinamayan ko sya matapos kong bumati.

"What brings you here, Mr. Vuenabentura?"

"Sir, magre-resign na po ako." malinaw ang pagkakasabi ko, pero sa itsura ng manager nagmistulang alien ang wikang aking ginamit.

"May kinalaman ba 'to sa mababang sweldo?" mahinahon nyang tanong.

"Hindi po. Tungkol din po ito sa pagreresign ng kasama ko. Si Sherwin"

"Oh, ano ang tungkol doon?" naging seryoso ang kanyang anyo.

Sa halip na magpaliwanag, iniabot ko na lamang sa kanya ang record book kasabay ng aking resignation letter. Hindi ko na hinintay ang kanyang reaksyon o anumang sasabihin. Mabilis akong lumabas ng kwarto at tahimik na isinara ang pinto. Sariwa pa sa aking isip ang mga naging pahayag ni Sherwin sa maliit na piraso ng papel.


Dear, Bro.

Isang linggo na kong nakakarinig ng kakaibang ingay sa fire exit. Para bang mga hagikhik ng mga lamang lupa. Buong tapang kong binaba ang basement para alamin kung saan nanggagaling ang ingay. Sa janitor's closet ko natagpuan si Boss, at si Mang Raul. Kapwa walang suot na salawal. Huwag na huwag daw akong magsasalita ng tungkol sa aking nasaksihan. Kung hindi daw ako tatahimik ay sasabihin nya sa asawa kong isa din akong.. you know. Gusto nya akong i-black mail. Minabuti ko na lamang mag-resign. Kaya lang, iniisip ko kung paano na tayong dalawa?"


-end



~halloween post ko! XD

A Pizza Story

$
0
0

"Kahit kailan hindi ko pwedeng ipagpalit ang Hawaiian Feast sa Pepperoni. Alam mong paborito ko yan Alex," paliwanag ko sa babaeng tinatakpan ng suot na cap ang mukha. Pilit binibida sa akin ang promo. Nang banggitin ko ang kanyang pangalan ay bahagyang nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Family size po ba, Sir?" diet nyang sagot na tila napako ang mata sa mga numerong digital.

"Solo lang. Wala pa naman akong asawa't anak. Kamusta na ba?" pangungulit ko.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa counter. Diskarte yun para mapansin nyang wala pang kapirasong gintong alahas sa daliri ko. Hindi pa ko sumasablay sa ganyan, kaya ng tapunan nya ng tingin ay biglaan akong napangiti.

"Small world no? Dito lang pala kita makikita."

"It's a big world para sa akin noong panahong hinanap kita" sagot nya.


Bukod sa makasama ako habang buhay ay magpa-rebond ang isa sa mga pangarap nya. Bagay na natawa ako, dahil mas pinili nya pa din ang kulot na buhok na mas madalas kong sabihing mas bagay sa kanya. Siguro naaalala nya pa din ang pangako kong babalikan sya kapag natapos na ang pag-aaral ko ng kolehiyo sa maynila. Verbal lang naman, kaya siguro hindi nya magawang magreklamo.

Plano na pala ng aking mga magulang ang aking papasukan. Mainam nga naman ang may kakilala, na kahit pag-check lang ng inbox sa outlook ang alam ay siguradong may trabaho na. Noong maka-graduate ibinalita ko agad sa kanyang mananatili pa ako sa siyudad. Maliwanag naman ang naging usapan, kahit medyo static ang signal ng cellphone. Kaya laking gulat ko ng biglaan nalang silang lumipat ng tirahan.

Nawalan na din kami ng komunikasyon. Nawalan ako bigla ng gana mag-trabaho. Hindi na ko excited mag-ipon sa bangko. At ang pagbalik sa lugar na kinalakihan ay tuluyan ko ng kinalimutan.

"Seryoso ka pala sa pagsasabing magiging paborito mo din ang pizza," dinukot ko ang perang papel na pangbayad sa aking inorder. Itinupi ko iyon ng ilang ulit na madalas kong gawin sa kanya kapag gusto ko syang surpresahin sa laman nito.

"Ginusto ko lang" dahan-dahan ang paglabas ng kanyang mga ngipin habang binubuksan ang pera. "Ayoko kasing makalimutan ang taong nagpapa-alala sakin nito"

"Weird no? Madalas akong napapadaan dito, pero 'di ko naisipang pumasok man lang. Noong nalaman kong sa maynila din kayo lumipat abot langit ang tuwa ko, kaso tulad ng sabi mo, malaki nga ang mundo."

"Hinanap kita. Akala ko hindi na kita makikita. Sino bang magsasabing isang araw ay papasok ka nalang dito at oorder ng pizza" pilit ngumingiti kahit nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Fate siguro.." bulong ko. "Naghihintay ng sagot yung surpresa ko."

"O-Oo!" abot tenga nyang sagot habang sinusukat ang singsing sa kanyang daliri.

"Abangan nalang kitang mag-out" paalam ko. "Teka, pa-order na din ng isa pa. Ano nga ulit yung paborito mo?"

"Pepperoni.."


-end


Hiling

$
0
0
para kay JM

"Naririnig nya kaya ang bawat dasal natin? Nakakarating kaya ang mga nais nating iparating? Sa tingin mo?" sunod-sunod na tanong ni Sandy sa asawang si Anton.

"Alam ng diyos ang lahat ng bagay. Baka hindi talaga para sa atin ang ating hiling," sagot ni Anton. "Baka may iba pa syang balak para sa atin."

"Four years Anton, four years.." pagkasabi'y tumayo ito sa pagkakahiga. Gamit ang kumot ginawa nya itong panakip sa hubong katawan.

Napapikit na lamang si Anton. Wari'y ayaw ng marinig pa ang reklamo ng asawa. Hinaing na mahigit ilang taon na nyang naririnig bago ipikit ang mga mata sa gabi. Palaging ang pagdarasal na lamang ang nagiging tugon kapag nagsisimula ng mag-sentimyento ang kabiyak. Paniniwalang mabibigyan sila ng anak sa tulong ng taimtim na panalangin, salungat naman sa katotohanang hindi na talaga sila maaaring mabigyan ng supling, dahil sa asawang may depekto.

"Itigil mo na ang paninigarilyo," saway ni Anton kay Sandy na nagsisimula pa lang pausukin ang buong kwarto. "Masama yan sa kalusugan mo. Paano na lang kung--"

"Kung magka-anak tayo?!" putol agad ni Sandy sa sasabihin pa ng asawa. "Anton, nakabisado ko na ang lahat ng sulok ng rosaryo, nahimas ko na ang lahat ng santo, at naka-ilang sayaw na tayo sa obando."

Natahimik si Anton. Sa mga ganitong pagkakataon hindi na sya nakikipagtalo pa kay Sandy. Hinahayaan na lamang nyang magsalita ang kabiyak hanggang sa mabanggit lahat ng sama ng loob. Sa loob-loob ni Anton, tanggap nya ng wala ng pag-asa pang mabiyayaan sila, pero hindi sya tumigil sa pananalig. Buo ang kumpiyansa nyang ang lalaking nakaupo sa ulap ay may dahilan sa lahat ng bagay. Sa lahat ng nagaganap, at  alam nyang kahit kailan ay hindi ito naging bingi sa kanilang mag-asawa.

"Si Mark, hindi ba gusto mo sya? Nag-decide na tayo noon, kaso umayaw ka na lang bigla" mahinahong tugon ni Anton.

"Ayokong mag-ampon!" giit ni Sandy. "Ayokong magpalaki at mag-alaga ng batang hindi naman galing sa akin!"

"Anong gagawin natin?! Hindi ko gustong marinig mo 'to, pero kailangan nating tanggapin ang sinabi ng doktor." nakayukong wika ni Anton. "Baka yun talaga ang gustong mangyari sa atin ng diyos.."

"Diyos? Walang diyos Anton, walang Kristo! Nabubuhay lang sya sa paniniwala ng katulad mo! Tayong mga tao lang ang nagbibigay buhay sa kanya! Gumagawa lamang tayo ng imaheng pwede nating masandalan sa mga oras na gipit tayo sa problema!"

Hindi na napigilan pa ni Anton ang sarili. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanyang asawa. Sampal na alam nyang gigising kay Sandy na tuluyan ng nilalamon ng depresyon, galit, at pagkamuhi.

"Hindi ko sadya. Sandy, sorry!" pigil ni Anton.

Walang naging reaksyon si Sandy. Tumalikod lamang ito at naglakad papalabas ng kwarto. Kahit ang paglapat ng labi ng pintuan ay walang ginawang ingay. Iniwan ang asawang may anyong tila naguguluhan. Napaupo na lang si Anton sa gilid ng kama. Hindi alam kung saan isisisi ang mga bagay-bagay. Ayaw isuko ang paniniwala sa maykapal, ganun din sa mahal nyang asawa. Huli na ng mapansing pinuno na pala ng luha ang magkabila nyang pisngi. Napapikit sya.

"Anton!!"

Napabalikwas sya sa sigaw ni Sandy. Mabilis nyang hinanap ang asawa. Ang labing dalawang hakbang ng hagdan ay naging tatlo lamang sa kanyang ginawang paglundag.

"Sa-Sandy! Nasaan ka?!" natataranta nyang tanong habang iginagala ang mata sa paligid. Abot langit ang panalanging walang ginawang masama si Sandy sa sarili.

Laking gulat nya ng maabutan ang asawa sa pinto ng bahay. Walang bakas ng kung anong bagay na magiging dahilan ng bigla na lamang pagsigaw. Dahan-dahan nyang nilapitan ang asawa habang nakasalampak ito sa labas. Niyakap nya ito ng mahigpit mula sa likod. Hinalikan sa batok at sinuklian naman ito ng ngiti ni Sandy.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ni Anton.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Sandy, "Gave. Bagay yun sa kanya."

-end


One Morning of July - 12

$
0
0
(image credit kay idol Melala)

***

Hindi ko gusto ang biglaang pagdilim ng langit. Humakbang lang ang mga paa ko palabas ng pinto, parang biglang nagalit ang panahon. Pero kung may pinaka-aayawan akong bagay, siguro dabest na ang biglang pagdating ng mga magulang ko. Alam kong mas malala pa sa paparating na bagyo ang dala nilang perwisyo. Maraming beses na kong tumakas sa gusto nilang mangyari sa akin, pero para silang nag-aalok ng promo na kahit buhusan mo ng laway ay babalik din kinabukasan. Tuluyan ng umulan.

"Three minutes, nariyan na ko.." pagtatapos ko. Sinilip ko muna kung baha ang tatapakan ko bago ako bumaba ng taxi. Dumiretso ako sa loob ng terminal bago pa lumaki ang patak ng ulan.

"Babyyy!!" napunit ang mukha ko. Si ermats ang sumalubong sa akin. Kasunod si erpats na may kakaibang ngiti sa labi. Kakakilabot ang magulang ko. Weird pa sila kay Marticia and Gomez.

"Kumusta ba ang buhay maynila? Kaliwa't kanan na ba ang girlfriend?" bungad ni erpats. Natawa na lang yung babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Akala siguro hindi pwedeng maging playboy ang probinsyano. "Sana hindi namin ipinaalam na parating na kami, para nahuli naman kita sa akto!"

Inihatid ko sila hanggang sa apartment na tinutuluyan ko. Sa byahe hindi maiwasang mag-usisa kung anong nangyari sa akin sa unang taon ko sa pagtapak sa siyudad. Hindi daw inakala na makaka-survive ang tulad kong magtimpla lang ng sariling kape ang alam. Kahit ang katiting na detalye walang pinalagpas. Mabuti nalang hindi na naisipang kamustahin ang manhood ko.

"Iwan ko muna kayo, may pasok pa ko.." paalam ko.

Pinigilan ako ni itay bago pa ko makalabas ng pintuan. Bago magsalita sinigurado nya munang hindi iyon napansin ni inay. Nagulat ako ng bigla nya kong itinulak papalabas ng pinto.

"Noel, ang ate mo nag-asawa na.." panimula nya.

"Congrats! Madalas nyang sagot sa teacher nya yun kapag tinatanong sya kung anong gusto nya paglaki!" biro ko. "Bagay naman sila ni Jacob. Nagkakasundo sa maraming bagay, kaya alam kong magiging maganda ang buhay nya."

"Kano ang napangasawa nya. Nasa ibang bansa na ang ate mo!" nilingon nya si ermats. Nagkaroon na ako ng duda. May mangyayari sigurong dapat kong malaman. Sa tono nya parang involve ako.

"Buti may pumatol. Sabagay 'di naman halatang nakadapa ang ilong ni ate.."

"Uuwi ka na ng probinsya! Ikaw na ang magtuloy ng negosyo natin!"

Mas nanaisin ko pang gumuho na ang mundo, keysa marinig ang sinabi ni erpats. Akala ko tama na ang calculation kong magkakatuluyan si Ate at si Jacob. Sila na din ang bahalang magpalakad ng negosyo. Gusto kong magalit kay Ate sa pagpapakasal nya sa kano, pero mas dapat sigurong sipain ko muna si Jacob. Nasayang ang ilang taong pagtulong ko sa kanya para ilakad lamang kay Ate, tapos 'di rin pala sya nagkaroon ng lakas ng loob.

Pumasok agad sa isip ko si Marta. Ang babaeng na sa artistic level na ang kahibangan. Kapag pumayag ako sa gusto ng mga magulang ko, paano na kami? Mayaman ang pamilya nila kaya siguradong hindi babaliin ang kasunduang kasal para lang sumama sa tulad ko. Hindi din siguro sasapat ang negosyo namin para itapat sa lalaking mapapangasawa nya. At hindi din ako siguradong sasama sa akin si Marta pabalik ng probinsya. Kung pumayag man, hindi ko din sya magagawang itanan. Pag-ihi nga sa gulong ng kotse 'di ko magawa kahit lasing.

"Sa makalawa babalik na tayo. Sorry, Noel. Kung hindi lang umalis ang Ate mo, hindi ka na naming guguluhin dito."

"Dad.." lumunok muna ko ng laway. "Hindi ko pwedeng iwan si Marta. Yung girlfriend ko. May mga plano na kami." pagsisinungaling ko.

"Plano? Eh, di mabuti! Kung plano nyo na palang magpakasal, kayo nalang ang mag-handle ng negosyo natin. Alam mo namang matagal na ng balak ng mommy mo magsuot ng bikini sa beach.. Oras na namin para mag-relax. Magandang balita yan! Halika't masabi na sa mommy mo!"

"Yes baby? May sasabihin ka?!" hirit ni ermats na nasa likod lang ng pinto nakatayo.

Yari.

----

Sinipa ko ang botelya ng mineral water. Sablay. Kahit sa pagsipat ng target hindi ko magawa ng maayos. Hindi na ko magtataka kung bakit hindi ko magawang masabi ang lahat ng gusto ko sa harapan nila.

Nakatatlong tawag na din ako kay Marta, pero wala man lang sagot. Bago pa makarating sa opisina ang sinasakyan ko bumaba na ko. Lutang ang isip ko. Daig ko pa ang ipis na nag-swimming sa pesticide. Hindi na kayang i-resolba ng utak ko ang dami ng problema. Naglakad ako papunta ng trabaho, pero nakakapagtakang dinala ako ng mga paa ko sa fast food kung saan kasama ko si Nancy, at kung saan din nakita namin si Marta na may kasamang lalaki.

"Sir? Order nyo po?" tatlong minuto na pala akong nakatitig sa kaharap.

"Coleslaw, regular.." nakuha ko pang mag-joke.

"Spaghetti. Paborito nya yan." napalingon ako sa nagsalita. Hinanap ko kung nasaan sya.

"Dito Noel!" wika ni Nancy na nasa kabilang counter, habang winawagayway ang straw.

Kumurap ako ng ilang ulit. Si Nancy nga. Nginitian ko sya bago ko maalalang may atraso pa pala ako sa kanya. Nakalimutan ko nang humingi ng sorry sa babaeng palaging present kapag may sabit ako. "Make it two.." wika ko.

"Hindi kana naman pumasok. Ano na ba nangyayari sayo?" bungad nya.

"Parehas ng dati. Problema.."

"Wala na bang bago? I'm sure si Marta na naman"

"No! Dumating na kasi ang mga magulang ko. Nasa apartment ko sila ngayon, at balak nila akong i-hostage pabalik ng province"

"And then?"

"I need to stay there.."

"Ah, so ayaw mo mahiwalay kay Marta. Sabi ko na involve na naman sya e! Kayo na ba?"

"Parang ganun. Not exact, pero parehas pala kaming interasado"

Nabanggit ko na din kay Nancy ang lahat ng pagpapanggap ni Marta. Kasama na din ang dahilan kung bakit kami magkasama noong gabi ng party. Tulad ng dati, pagtawa lang ang naging sagot nya. Sino ba daw mag-aakala na kaya iyong gawin ng tulad ni Marta. Matapang na babae nga naman sya, at hindi nakapagtatakang magagawa nya iyon lalo't nasa gipit na sitwasyon. Isinara ko ang usapan nang ako'y magpaalam.

"So, anong balak mo?" pahabol nyang tanong.

"Kakausapin ko muna sya. Pupunta ako ng clinic, sigurado naroon sya."

Umiling sya ng ilang ulit. "Nabalitaan ko nga palang mas mapapa-aga ang kasal. One week simula ngayon"

"One week?!" ulit ko sa sinabi nya.

"Nasa opisina kanina si Marta at ang lalaking mapapangasawa nya." tinapik nya ng ilang ulit ang balikat ko.

Walang oras para sa pagdadalawang isip. Totoo man o hindi ang nararamdaman sakin ni Marta, kailangan ko pa din syang tulungan. Buo na ang loob ko. Hindi na 'to laro na kapag sinabing taympers ay hihinto ang lahat. Bahala na kung anong mangyayari. Sa dami ng nangyari at rebelasyon, hindi na ito ang oras para mag back-out pa.

Hingal tao ako ng makarating sa harap ng clinic ni Marta. Nakakapagtaka, bukas pero mukhang walang tao sa loob. Hinanap ko muna sa sarili ang tapang na nabuo kanina bago ako pumasok. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumalubong ang malamig na hanging dala ng aircon, kasunod ng isang mainit na yakap.

"We need to go now.." bulong nya. Ramdam ko ang kanyang pag-aalala.

"Sinabi na sa akin ni Nancy. Timing talaga!"

"Timing? Bakit?"

"Dumating ang parents ko at gusto nila akong sumama pabalik sa kanila"

"Talaga? Para ka palang bata" natatawa nyang sagot. "Sinusundo pa"

"Actually sasama ako, naisipan ko lang dumaan dito para magpaalam" sumimangot ang kanyang mukha.

"Then go!" galit nyang sagot.

"Sino ngayon mukhang bata?" pang-aasar ko.

Hindi ko alam kung paano magwo-work out ang lahat kung mas madalas pa kaming mag-away kesa sa aso't pusa. Ngayon palang naiisip ko na kung saang parte ako ng kusina matutulog kapag galit sya sa akin. Sabagay, mas mainam ng sya ang kasama ko kesa ang mga hayop sa probinsya. Mas matitiis ko pa ang sigaw nya kumpara sa mga tilaok ng mga manok.

"Ano pang tinatayo mo? Ayun na ang gamit ko?" utos nya habang itinuturo ang maleta. "Ikaw ang magbitbit, ako ang driver"

"Boyfriend ba ko o bellboy?"

"Sige sumama kana sa probinsya!"

"Tumatanggap pala ako ng tip. Saan ba isasakay to ma'am?"

"Sa likod."

Bago pa ko tumalikod, hinalikan nya ko sa pisngi. Ikinagulat ko ang isang yun. Halata ang  biglang pamumula ng aking mukha. Inisip kong natural nalang yun sa magkasintahan pero iba pa din ang dating ng halik sa pisngi lalo't parang may gustong ipahiwatig. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong seryoso sya sa sinabi nyang mahal nya ko.

Parang teacher ko lang noong high school na papasok sa klase at magbabato ng tanong tungkol sa lecture kahapon. Lahat mabibigla. Madalas ako. Nabigla ako sa bilis ng pangyayari. Hindi ko expect na ganito kabilis ang desisyon namin ni Marta. Nakita ko nalang ang sariling nakaupo sa tabi nya habang tumatakbo ang gulong ng sasakyan. Destinasyon? Labo, di ko alam.

"Alam ba ng Daddy mo 'to?" tanong ko.

"May nagtanan bang nagpaalam?" nakaismid nyang sagot. Medyo natuwa ako, kasi tanan pala ang tawag sa ginawa naming pagtakas. Ang sarap lang pakinggan.

"So, saan pala tayo pupunta?"

"Hindi ko alam"

"Ano?!" halos ibigti nya ko sa seatlbelt sa biglang preno.

"Wag ka tumingin sakin. Nasa isip ko palang yan, naka-empake ka na agad" depensa ko. "Patay.."

"Huwag mong sabihing.."

"Oo! Wala akong gamit na dala!" putol ko sa pagsasalita nya.

Hindi ako pwedeng umuwi sa apartment. Naroon ang parents ko. Hindi magandang ideya kung pababalikin nya pa ko para mag-empake ng gamit. Sigurado magda-drama na naman si ermats at babanggitin lahat ng gastos mula pregnancy test hanggang sa allowance ko bago umalis ng probinsya. Bukod pa ang pag-uusisa ni erpats kung sakaling makita nya si Marta. Kakaibang gulo talaga ang pinasok ko, hindi pa man nalalaman ni Mr. Reonico kinakabahan na ko.

"Mas maganda siguro kung samahan mo--" nagulat ako ng biglang nag-iba ng direksyon si Marta.

"Saan ang province nyo?" nakangiti nyang tanong. Kinabahan ako.

"Malayo! Sobrang layo! 12 hours ang byahe. Boring at hindi magandang ideya!" giit ko. Nababanaagan ko na ang gusto nyang mangyari.

"Hindi magiging boring kung kasama natin ang parents mo"

"No way! Ayoko bumalik ng probinsya!"

Tinignan nya ko gamit ang mga matang nagmamakaawa. Ilang segundo pa naging teary eyed na. Maya-maya pa nasa harap na ng apartment ang sasakyan, at mga ilang  kurap lang ng aking mga mata kaharap na namin ang mga magulang ko. Walastik!

"Anak, kinidnap ka ba nya?!" bungad na tanong ni erpats kay Marta.

"Magandang gabi po! Girlfriend nya po ako. Marta nalang po" sagot ng babaeng mahusay ang drama.

"Pasok ka iha," nakangiting sagot ni erpats habang panay ang siko sa tagiliran ko.

"Matagal na ba kayong magkasintahan?" naririnig ko ang interview ng mga magulang ko habang bitbit ko ang mga gamit nya papasok ng kwarto. Hindi na ko nagtagal. Agad akong nag-impake ng mga dadalhin. Napag-usapan namin kanina ni Marta na palalagpasin lang namin ang araw ng kasal nya at tatakas ulit pabalik ng maynila. Palalabasin nalang namin na gusto ni Marta bumisita sa lugar na kinalakihan ko.

Lumabas ako ng kwarto matapos ang ilang minuto. Malaking ngiti na abot batok ang salubong sakin ni ermats at erpats. Parang may nangyaring hindi ko yata gugustuhing malaman. Naabutan ko si Marta na namumungay ang mga mata.

"Anak, panagutan mo ang babaeng ito. Iuwi mo sya ng Camsur para doon na din kayo ikasal."

"Ano?!"

"Sinabi nya na sa amin ang lahat. Iiwan mo lang ba syang ganyan Noel?"

Nakita ko si Marta. Nakangiti na tila nang-aasar. Natapik na lang ng palad ko ang aking noo. No choice. Wala akong nasabi sa galing nya sa pag-drama. Sumakay nalang ako sa kwento nya. Minsan lang naman ako magsinungaling, ang huli ay ang pagsasabing seksi si mommy para bigyan ako ng mas malaking allowance noon.

Hindi ko alam kung dapat tawaging fate ang pagkakakilala namin o disaster. Habang tumatagal lalong gumugulo ang sitwasyon. Bahala na, mas magulo pa din ang love life ni Romeo at Juliet. Marunong naman akong sumakay ng jeep, matututo din siguro akong pumara sa driver para ihinto ang byahe. Kung ano man ang ending, o kung may dead end. Importante nakasama ko sya sa road trip.

tbc..


Puting Polo

$
0
0
"Maigi pa ang aso kahit pagtahol lang ang alam, eh may silbi! Ikaw, wala! Lumayas ka!!"

Ang paglalapat ng labi ng pinto sa aking kwarto ang nagbigay katahimikan sa ginagawang eskandalo ni Inay. Binuksan ko ang lumang dvd player para masapawan ang kanyang tinig. Inihanda ko ang aking sarili. Inilagay ko ang iilang gamit sa aking bag, at saka umupo para isuot ang aking sapatos. Tumayo ako ng deretso bago humarap sa salamin. Huminga ng malalim.

"Nasaan na kaya si Eunice?" wika ko sa sarili. Hinahaplos ang laylayan ng lumang puting polo na nakasabit sa bintana ng aking kwarto.

"Lumayas ka!! Layas!!!"


"Winston lights nga, dalawa." Inilapag ko ang iilang barya sa harap ng tindera na hindi nagbibigay ng tingin. "Paabot ng lighter," kahit hindi pa man nakakarating ang bisyo sa aking kamay.

"Bawal magtinda sa teenager!" masungit na sagot ng tindera.

Ininguso ko ang naunang suki, na sa tingin ko'y mas mababa pa ang edad keysa sa akin. "Eh, bakit sya? Bago ka ba?"

"Mukha lang yung bata. Kulang sa height," mailap na sagot ni Eunice.

Hinanap ko ang nakakababata nyang kapatid na madalas nakatoka sa kanilang sari-sari store, at madalas ding puno ng tira-tirang kendi ang paligid ng nguso. Wala sya. Sumakit siguro ang ngipin. Ang ate nyang nasa artistic level ang kasungitan ang tindera noong araw na yun.

"Bibisyo-bisyo wala namang trabaho, mabuti pa yung aso namin kahit paos napapakinabangan"

"Mabuti pang ikaw nalang ang napaos, kesa sa aso nyo. Mapapakinabangan ko pa ang katahimikan mo."

Childhood friend ko si Eunice. Naks! Sabay kaming lumaki kahit mas matangkad sya, pero ang attitude nya sa akin ay parang nakakatanda kong kapatid. Madalas nya kong pagalitan kapag may pagkakamali. Madalas nyang sabihing mag-aral daw akong mabuti, dahil magagamit ko daw iyon pagtanda. Nagtataka nga ako, kasi sabay lang nadadagdagan ang aming edad pero may view na sya agad ng pagtanda. Wala pa namang proof ng reincarnation, kaya duda agad ako.

Parehas din kami ng pinasukang eskwelahan mula grade school hanggang high school. Kaya kahit takpan ko ang aking mga mata, ay kabisado ko na kung saan sya biglang susulpot at mambabatok. Minsan natatakot na ang ilang barkada ko, dahil mas may kalakihan ang bicep nya kumpara sa akin. Pinandidilatan nya kapag alam na agad ang pupuntahan pagka-uwian. Palagi nya kong iniiwas sa gulo, at sinusumbong kapag tumatakas ng klase. Iniisip ko na lamang na sya ang ermats ko, at kailangan kong sumunod para hindi nya ikulong ang leeg ko sa kanyang bibiluging braso.

Naging parte na din ng pagbibinata ko ang tukso sa aming dalawa. Kesyo bagay daw kami at hindi malayong mahulog ang loob sa isa't isa. Tatawa lang sya, pero ako naiinis na. Yung mga binalak ko kasing ligawan noon ay hindi na natuloy. Palagi kasing naka-kontra kapag 'di nya gusto yung babae, lalo't mas maganda sa kanya. Nagawa ko pa ngang magtaas ng boses at magalit sa kanya, pero kapag lalaki ang butas ng ilong nya tumitiklop ako bigla. Naa-appreciate ko naman ang pagiging sideline-mommy nya sakin, 'di ko lang malaman kung bakit minsan parang sobra na.

Sa katagalan nagsawa na din sya, o naisip nyang may sariling isip na din siguro ako para timbangin ang mga tama't mali. Noong ikatlong taon namin sa high school, bibihira ko nalang syang makita. Kumpleto naman ang attendance pero kahit anino nya hindi ako ginambala. Nakakapanibago. Wala ng sisigaw sa akin kapag isisilid ko ang isang pakete ng pulboron sa canteen. Wala na yung tinig na madalas kong marinig kapag naabutan nya kong tumatalon sa kabilang bakod ng school para tumambay sa puno ng aratiles. Tanggap nya na sigurong matigas pa sa semento ang ulo ko, at makulit pa sa buni ang kapilyuhan ko.

Madalas nalang kaming magkita sa hagdan, corridor, o di kaya'y kapag maninilip ako sa cr ng mga babae. Ipinapakita kong gumagawa ako ng kalokohan, pero hindi ko man lang syang nakitang nagalit. Namimiss ko ang pagtutunggali ng dalawang kilay nya na epektibong nagtatanggal ng espiritu sa katauhan ko. Parang hindi na sya ang Eunice na kilala ko. Biglaan syang nagbago.

Kalahati na ang taon ng nawalan ako ng interes sa pag-aaral. Madalas na kong absent o di kaya cutting classes. Mas pinag-uubusan ko pa ng panahon ang pagsusulat ng excuse letter para sa mga piling klaseng trip ko na lamang pasukan. Sumabit sa iba't-ibang klase ng barkada. Natuto ng mga bisyo. Inuubos ko ang baong pera sa pag-inom o paglalaro ng arcade. Nagsawa na kong mag-aral. Wala pa sa dalawang buwan ang life style ko, nag drop out na ko.

"Ano? Pagbebentahan mo ba ko?" pangungulit ko kay Eunice.

"Manigas ka!" giit nya.

Tumawa ako ng malakas sa reaksyon nya. Noon ko lang ulit nakitang nagalit sya at pinagbawalan ako. "Matagal kong hinintay ang Eunice na yan"

Hindi nya napigilang mangiti sa sagot ko. Akala nya hindi ko napansin yun. Mabilis nya kasing sinubo ang ilang pirasong chichirya para itago. Kinuha kong muli ang baryang inilapag ko kanina sa kanyang harapan. Maingat kong ibinalik sa aking bulsa. Tumalikod ako at humakbang papalyo sa kanya. Hinintay kong pigilan nya ko, pero bigo. Binagalan ko ang aking hakbang para mapansin nya. Imbis na pigilan ay itinaboy nya pa ko.

"Wag mo ng bagalan, hindi kita pipigilan!"

"Hindi ako nagpapapigil, nagpapahabol lang," biro ko.

"Sa tingin mo hahabulin kita? Sa tagal ng panahon na kasama mo ako, wag mong sabihing hindi mo napansin, tapos ngayon ako pa ang gusto mong humabol sayo?" mahabang litanya nya.

"Kasalanan mo yan! Bakit hindi ka nagsabi? Gusto mo pang ipa-realized sakin ang importansya mo noong nilayuan mo ko? Pagtilaok lang ng manok ang kaya kong hulaan, hindi ang damdamin mo."

"Manhid ka kasi!"

"Inosente lang!"

Natigil lang ang palitan ng mga salita ng mapansin naming maraming usi na ang humihigop ng balita. Namula si Eunice. Napilitan akong umalis. Hindi ko na nagawa pang sabihin kung gaano ko sya ka-mahal, at kung paano binago ng pag-iwas nya ang pagkatao ko. Sayang ang pagkakataon. Pero masaya pa rin dahil naramdaman ko ang concern nya kahit hindi nya ipahalata. Kahit puno ng kahihiyan ay umaapaw ang ngiti saking labi habang naglalakad paalis. Sinubukan kong lumingon, kaso wala na sya. Napailing na lang ako.

"Lumayas ka!! Walang silbi! Walang kwenta!!" bulyaw ni Ermats ng buksan ko ang pinto ng kwarto. "Tignan mo si bantay! Tatahol yan kapag may akyat-bahay!!"

Maasim pa sa binuro ang kanyang mukha. Bitbit sa kaliwang kamay ang nakakalbong walis na sabik na sabik ihambalos sa pusa naming tumirador ng ulam. Bago pa sumpungin ng pagtaas ng dugo ay pinigilan ko na sya.

"Nay, pasok na po ako," sinalubong nya ko ng magandang ngiti. Pinagpagan pa ang laylayan ng suot kong lumang puting polo na basta ko na lamang iniwan noon.

"Mag-iingat ka! Mag-aral ng mabuti!" pahabol nya.

"Ay, hindi na po magbubulakbol yan!" nakangiting sagot ni Eunice na kanina pa pala nag-aabang sa may sala.

"Hatid mo ko?" sagot ko.

-end



-----

may ibon akong naririnig sa bintana ng kwarto ko, este namin. bigla tuloy akong natakot, makatulog na nga.

Patalim

$
0
0

Bakas sa mga mata ng kanyang unang biktima ang takot. Kahit hindi ito magsalita ay sinasabi naman nito na huwag ituloy ang binabalak. Hindi nagpadaig si Allan. Isang hagod sa lalamunan lang ang kanyang ginawa para lunukin lahat ng pag-aalinlangan. Ipinikit nya ang kanyang mga mata, dahilan para hindi na sya dapuan pa ng awa. Tatlong sunod-sunod na saksak sa tagiliran ng lalaking sa tingin nya'y sasagot sa kanyang malaking pasanin sa buhay.

"Pasensya na po," maluha-luha ang kanyang mata. Pilit pinipigilan ang emosyong tatalo sa kanya. "Mahal ko lang ang aking anak, kailangan nyang mabuhay"

Maingat nyang itinabi ang katawan ng biktima sa madilim na parte ng kalsada, na sa mga oras na yun ay tila walang taong dumaraan. Pinikit ang mata nito ng makitang nakadilat pa. Mabilis nyang kinalas ang mamahaling relos, kwintas, wallet, at kahit ang wedding ring ay hindi nya pinalagpas. Tahimik na nilisan ni Allan ang lugar, at siniguradong walang nakapansin sa kanya bago sumakay sa paparating na tricycle.

"Saan tayo boss?" magalang na tanong ng driver.

"Sa Mabini Hospital po manong,"

Mabait, magalang, masipag, at maunawaing tao si Allan. Lumaking may takot sa Diyos, at punong-puno ng pag-asa sa buhay kahit sagad na sa kahirapan. Pero nung sandaling yun, ibang Allan ang tila namahay sa kanyang katawan. Sa unang pagkakataon halos hindi na nya kilala ang sarili. Ang dating madiskarte sa buhay, ngayon ay naubusan na ng kalsadang madadaanan. Kapit patalim, at dasal na lamang ang inaasahan.

Malamig ang hanging sumasalubong sa kanilang sinasakyan. Damang dama nyang kumakapit ito sa kanyang balat. Kinabahan na sya. Lalo't maalala ang itsura ng lalaki, at ang pagmamaka-awa nito sa kanyang harap. Umiling sya ng ilang ulit. Nangibabaw ang pagnanais na isalba ang buhay ng anak na nasa hospital sa mga oras na iyon.

"Kailangang mabuhay ng aking anak," pagpapalakas loob sa sarili. Naisipang buklatin ang wallet upang kumpirmahin kung sapat ba ang perang nakuha nya mula sa marungis na gawain. Napangiti sya. Malaking halaga nga ang laman. Nanlaki pa ang mga mata ng mapansin ang ilang dolyar.

"Boss, nandito na tayo" wika ng tricycle driver.

"Magkano?"

"Singkwenta." sagot nito.

Iginala nya pa ang kanyang tingin sa paligid para kumpirmahing wala sya sa police station. Kanina pa kasi ang tingin ng nagmamaneho sa kanya, na kahit walang alam ay pakiramdam nya'y gusto na syang usisain. Iniabot nya ang bayad. Agad syang tumulak papasok ng hospital. Mindali nya ang kanyang mga paa na kanina pa naghahanap ng pahinga. Maghapon sya sa kalye para maghanap ng pera. Hindi nya inakalang sa ganung bagay malulutas ang kanyang problema.

Napansin nyang paakyat pa lang ang elevator, kaya dumiretso na sya agad ng hagdan. Halos lundagin nya na ang bawat hakbang. Kailangang maabutan ang doktor, para sabihing ituloy na ang operasyon. Kung kulang ang pera, tsaka na lamang didiskarte ng pangdagdag. Nakikinita nya na ang magandang ngiti na posibleng isalubong sa kanya ng kanyang may bahay.

"Sir, sandali lang!" napahinto sya sa malaking boses na pumigil sa kanya. Agad nyang nilingon.

"Bakit ho?" kabadong tanong nya sa guard na nakapansin sa kanya. "Nagmamadali po ako"

"Anong nangyari sa damit mo? Naaksidente ka ba?!" puna nito sa tshirt nya. Ngayon nya lang napansin na may bahid pala ito ng dugo. Alam nyang sa lalaking biktima iyon, kaya agad na naging balisa ang kanyang anyo.

"Sa anak ko po ito, isinugod sya sa dito kanina!" pagsisinungaling nya. "Maiwan ko na kayo, nagmamadali po talaga ako!"

Pinigilan sya ng guard, pero hindi nya ito pinansin. Mas binilisan nya pa ang bawat pagtalon sa baitang ng hagdan. Alam nyang nakakalayo na sya sa taong humahabol sa kanya. Ilang hakbang pa ay nasa ikaapat na palapag na si Allan. Agaran nyang tinahak ang huling kwarto sa left wing ng hospital. Napipinta nya na sa isip ang kaligtasan ng kanyang anak. Buo na din ang pasyang aalis sila ng Maynila, para kalimutan ang lahat. Sasabihin ang buong katotohanan sa asawa, at hihingi ng kapatawaran sa taas.

"Dok, ituloy nyo na ang operasyon. May dala na po akong malaking halaga!" bungad nya matapos buksan ang pinto ng kwarto. Napahinto sya. Nagtaka. Kumunot ang kanyang noo.

"Sir, kamag-anak nyo ba ang pasyente?" mahinahong ang tinig ng isang nurse na abalang nagpapalit ng dextrose sa pasyenteng nakahiga.

"Nasaan ang anak ko?! Nasaan ang asawa ko?!" sunod-sunod nyang tanong.

"Sir, kumalma po kayo. Ano po bang pangalan ng pasyente?"

"Jenny, Jenny po!" natataranta nyang sagot "Jenny Bautista!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang guard na kanina'y naghahabol sa kanya. Laking gulat nya ng may kasunod na itong mga alagad ng batas. Nanlamig ang kanyang pakiramdam. Namuo sa kanyang isip ang kailangan ng mga pulis sa kanya. Hindi na sya nagulat ng biglang ikabit sa kanyang dalawang kamay ang malalamig na posas.

"Sir, sya nga po! Hindi po ako pwedeng magkamali!" wika ng tricycle driver na huling pumasok sa kwarto.

"Hindi ko sadya!! Patawarin nyo ko! Kailangan lang mabuhay ni Jenny!" pagmamaka-awa nya. Naging bingi ang mga ito. Nakuha sa kanyang bulsa ang iilang gamit na ng lalaking walang awa nyang pinaslang kanina. Napailing ang pulis bago sya nito inilabas ng kwarto.

"Ma'am pasensya na po sa abala," paumanhin ng naiwang pulis sa pasyente at sa nurse na nalilito pa din sa pangyayari.

"Okay lang po. Bago lang ako dito, kaya hindi ko masagot ang tanong nya."

"Halos isang buwan na pong hinahanap ng kanyang mga pamilya si Allan Bautista. Bigla nalang syang nawala noong namatay ang kanyang anak." paliwanag ng pulis. "Pasensya na po ulit, tutulak na kami pabalik ng station"

"Sandali ho, Sir! May dala na daw syang malaking halaga para sa operasyon ng kanyang anak" iniabot nito ang wallet na naglalaman ng malaking halaga, at ilang pagkakakilanlan ng may-ari.

Napailing na lamang ang pulis.

-end



image credit to orig uploader

One Morning of July - 13

$
0
0
image credit kay idol Melala

***

For Once in My Life ang tugtog sa FM radio sa loob ng bus na kinanta ng Spiral Staircase, na isa sa old school na kanta na paborito ko kahit paano. Hindi ko alam kung nakikisama ang DJ o timing lang talaga. Kanina lang parang hindi maubos ang enerhiya sa katawan ni Marta sa sobrang excited. Sa lahat naman ng nagtanan sya pa yung hindi kakikitaan ng takot. At sa sobrang excited, hindi pa umabot ng isang minuto nakatulog na sya kaagad sa byahe. Tahimik at payapa ang kanyang mukha na pasimple kong tinititigan habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking balikat. For once in my life, naramdaman kong may nangangailangan din pala ng isang tulad ko, kahit pa gawing unan lang ang aking balikat, hindi na maipinta ang saya saking corny na mukha.

Kung tutuusin mas mabilis pa sa kaning niluwa kapag nalamang mainit ang relasyon namin ni Marta. Marami akong hindi alam sa kanya, at malamang ganun din sya sa akin. Parang noong unang kita namin, sa isang iglap lang katabi ko na sya. Kapag naiisip ko ang mga ginawa ko noon para makuha ang loob nya, natatawa nalang ako. Idagdag pa ang pag-iisip ko sa dalawang katauhan nya na naging mabisang biro na kahit tawanan ko ay medyo nakakadismaya.

"Noel Cruz," bigla akong napangisi. Mananaginip lang buong pangalan ko pa ang babanggitin.

"Bakit?" sakay ko.

"Mahal mo ba talaga ko?"

"Kung may simbahan tayong madadaanan, ipapahinto ko ang bus. Maniniwala ka na ba?" pinipigilan kong tumawa.

"Pangako?"

"Oo!" halos mangitim na ko sa kakapigil.

"Pwes! Wag na tayo bumalik!"

Tumayo pati ang balahibo ko sa binti sa gulat. Gising pala. Bilog na bilog ang mga mata sa tuwa. Gusto kong maasar. Ang inakala kong napagti-tripan ko ay sya palang nagti-trip sakin. Sana mabangga ang bus na sinasakyan namin at mauntog sya tapos malimutan nya lahat ng sinabi ko, pero masyadong brutal. Madulas na lang sana sa sobrang tuwa.

"1 week! Final na yun!" giit ko.

"1 week? Lang?"

"Ano 'to vacation?! Out of town? Marta, tumakas tayo. Tinakasan natin ang kasal mo kaya tayo nakasakay sa bus na 'to," pagpapaliwanag ko sa kanyang minsan 'di totoo ang fairy tales. "Tsaka kaya nga nag-bus tayo, kasi lalabas na kidnap o carnap kung dadalhin natin ang kotse mo."

"After 1 week, ano namang plano mo?"

"Ako lang? Pwede bang natin?" sinulyapan ko ang papasikat na araw sa bintana ng sinasakyan naming bus. Nakakamangha ang ganda nito, lalo't tatama iyon sa mga puno naming nadadaanan. "Kakausapin natin ang Daddy mo."

"Anong sasabihin mo?"

"Isasauli na kita, at hihingi ng tawad," deretsong sagot ko.

"Ano?!"

"Biro lang," nakangiti kong sagot, habang sinasalubong nya naman ng mga tingin na siguradong maghahatid sakin sa kabilang mundo. "Malayo na narating ng byaheng 'to, at hindi na siguro ito ang oras para pumara at mag-jingle.."

Ngumiti sya at ipinatong muli ang ulo sa aking balikat. Ipinikit ang mga mata. Hindi na ko magugulat sa mga biglaang pagbabago nya ng mood. Nasasanay na kong mukha syang araw-araw may dalaw. Seryoso ako sa pagsasabing hindi maganda kung papara ako para mag-jingle. Ewan ko kung iba ang dating sa kanya. Ang babae talaga, ilang kanta na ang ginawa para sa kanila, hindi pa din sila tinatamaan.

---

Ginising ako ng malakas na yugyog saking balikat. Idinilat ko ang aking kaliwang mata. May liwanag na sa paligid. Pamilyar na lugar ang bumungad ng sinilip ko ang labas ng bintana. Nagbalik ang mga ala-ala ng aking kabataan. Noong mga panahong hindi ko pa alam ang paggamit ng salawal. Nostalgic. Naiba lang ay ang makulit na babaeng humihila saking balikat.

"Nandito na tayo!" excited nyang tinig na parang first time lang makasinghot ng amoy probinsya.

"Aba, oo nga!" sakay ko. "May prize ang unang makababa ng bus!"

"Ano?"

"Halik ko," pinikit ko ang aking mata at pinahaba ang nguso. Natatawa ako sa ginagawa ko, pero pagdilat ko lumilipad na bag ang sumalubong sakin.

"Kiss mo mukha mo!" padabog syang nag-walk out palabas ng bus. Sa wakas nanalo din ako sa asaran.

"Naalala ko ang kabataan namin sa inyo," singit ni erpats.

Sesegunda pa sana si ermats. Napigil nang biglang tumili si Marta. Napabalikwas ako ng baba. Mabilis ko syang hinanap. Napahawak ako sa tiyan para magpigil ng tawa nang makita ko syang nakalublob ang kaliwang paa sa laman loob ng kung anong hayop. Kulang na lang ay lumobo ang sipon sa pagpipigil ng iyak.

"Excited ka kasi," pang-aasar ko.

"Uuwi na ko!"

"Sige, iwan ko na gamit mo dito sa bus"

"Hindi mo man lang ako tutulungan?"

Humakbang ako papalapit sa kanya. Nakatayo lang sya at tinitignan kung anong gagawin ko. Nang makarating ako sa kinatatayuan nya, ngumiti ako at inilusom ko din ang kaliwang paa ko sa inakala nyang pataba sa lupa. Putik pala, mukha lang carbon deposit ang itsura.

"Quits!"

Nangibabaw ang tawanan saming dalawa. Nakakatuwa. Hindi ko pa sya nakitang tumawa ng ganun kalakas at ganun ka-pangit. Biglang hihinto, tatahimik, tapos tatawa ulit. Sumagi tuloy sa isip ko yung mga oras na kasama ko sya. Malayong malayo sa kung ano sya noon, keysa sa ngayon. Kung ako, este ano man ang dahilan, at kung parte man ako, kahit mukha ko pa ang ilulublob sa putik, tumawa lang sya. Sobrang quits na!

Okay, so after ng mahaba habang lakaran, nakarating din kami sa lugar kung saan uso sa tao ang hindi pa nakakakita ng totoong tao. Namangha sya sa pagkaluma ng bahay namin. Never pa daw sya nakakakita ng bahay na antik. Bawat kanto inusisa. Bawat lumang gamit gustong kuhaan ng picture. Akala siguro nasa field trip sya sa bahay ni Rizal.

"Welcome back, Estong!" ang tarpaulin na bumulaga sakin pagkapasok ko ng bahay. Akma kong lalamukusin ng pigilan ako ni Marta. Nakangiti sya habang kinunan iyon ng litrato.

"Ano bang ginagawa mo, Noel? Pinadalaw ko pa ang Daddy mo sa bayan para ipagawa yan" si ermats.

Walanghiya! Sa pag-alis pala nila, sinisigurado na pala ang pagbalik ko. Tatawid na sana ako papasok ng kusina ng nagsalita si Marta.

"Estong?" natatawang tanong ni Marta.

"Oo, hija. Yan ang madalas nyang banggitin kapag nakakahuli ng dagang bukid. Ayaw pa tanggapin na sa kanya galing ang palayaw" giliw na giliw si ermats habang nagpapaliwanag, habang ako'y dahan-dahang nalulusaw sa kahihiyan.

"Hi, Estong" bulong ni Marta habang sinisiko ako sa tagiliran.

"Isang buwan bago ko natanggap yan. Hindi ko nga alam kung sakin ba galing, o imbento lang ni erpats"

"Bagay naman!" labas lahat ng ngipin nya.

Habang nag-aayos ng mga gamit ikinuwento ko sa kanya ang aking experience sa lugar na kinalakihan. Bawat kakatwang bahagi ng aking buhay ay halos mapunit na ang kanyang labi sa kakatawa. Napapasaya ko sya, kahit nagmumukha naman akong tanga. Nakakabilib daw dahil hindi daw sya nakaranas ng ganitong simpleng buhay. Hindi naranasang maglaro sa ilalim ng ulan, at suminghot ng alikabok sa parke. Malaki daw ang inggit nya sa mga tulad ko. Nabanggit ko ding mayaman ang turing samin sa ganitong lugar kapag may up and down na bahay at palayan. Iba sa kanila. Malayong malayo. Kaya ng makarating ako ng Maynila ay feeling ko ibang planeta na. Tawa na naman sya.

Inabot ng gabi ang kwentuhan. Hindi na namalayan ang oras. Mabilis na inilatag ang kadiliman sa paligid. Kasabay ng pagdilim ang biglang pagkawala ni Marta, na kanina lang parang kasabay ko sa pagkain. Hinanap ko sa kwarto, wala. Sa kusina, wala din. Sa ilalim ng mesa, at sa likod ng picture frame. Kahit sa takip ng inodoro, wala. Ilang hakbang pa narinig kong may tumutugtog na musika. Hindi ako pwedeng magkamali, galing sa labas.

Sa tatlong baitang na hagdan papasok ng pinto. Nakasalampak ang kanyang pagkakaupo. Nakatingin sya sa malayo. Gusto na yatang umuwi. Maingat akong humakbang para gulatin sya, kaso lumangitngit ang sahig na gawa sa kahoy.

"Estong, may balak kang masama?!"

"Layo ng bayan dito, kapag nagkakasakit ang tao dito tinatapon na lang sa bukid. Sige ka, baka magkasipon ka sa lamig," umupo ako sa tabi nya. Hinanap ko ang instrumentong gamit nya sa paglikha ng musika, pero wala akong nakita. Guni-guni?

"Sumeryoso ka nga!" masungit nyang sagot.

"Ganito talaga dito. Boring! Huni lang ng insekto ang nagsisilbing night club."

"Okay nga e! Nakakabawas ng stress ang katahimikan," walang buhay nyang sagot, sabay angkla ng kamay nya sa braso ko. "Noel, sorry ha.."

"Sorry? Saan?"

"For all the troubles.." hindi ko alam kung sincere, nakangiti kasi. "I know naman na hindi pabor sayo ang pagbalik dito, pero thanks talaga dahil ginawa mo yun para sakin."

"Thanks din!" alangan kong sagot. "Marunong ka bang magtago ng sikreto?"

"Try me!"

"Itong parte ng bahay na 'to ang madalas kong tambayan noon," panimula ko. "Naging paborito ko ito! Sabi ko noon, ang babaeng para sa akin talaga ng unang dadalhin ko dito. Gusto ko kasi ang view mula dito. Lalo na kapag tinatamaan ng sinag ng buwan yung rice field."

Napakunot noo sya. Hindi yata kumbinsido. Mukha kasing setting ng regal shocker kung baguhan ka sa lugar. Para sakin romantic, pero sa pagsalubong ng kilay nya horror movie ang dating.

"Ahh, siguro pangalawa na ko sa pinagsabihan mo nyan?"

"Ikaw ang una!"

"Liar! Eh, ano to?” tanong nya habang tinuturo ang nakaukit na pangalan sa ikatlong baitang ng hagdan. “Elisa? Cute ng name ha!”

“Ganun ka ba kabilis mag-judge ng tao?” ngumiti ako “Pangalawa ka nga! That’s my sister, kadugtong sana nyan ang Jacob na pangalan ng boyfriend nya.”

Lumiwanag ang kanyang mukha. Nakakasilaw ang kanyang ngiti. Kung tatagal pa sya sa ganung expression, iisipin kong commercial na ‘to ng toothpaste.

“Nasaan na sya?”

“Si Elisa? O si Jacob?”

“Silang dalawa?”

“Nasa abroad na si Ate, si Jacob wala na kong balita.”

“Hindi sila nagkatuluyan?” nagpigil ako ng tawa sa pagkagulat nya.

“Nag-asawa na ang Ate sa ibang bansa,” tumingin ako sa pangalang nakaukit sa hagdan. “Hindi ko alam ang buong kwento, pero alam ko kung gaano nila ka-mahal ang  isa’t isa.”

“So, ano ang sikreto dun?”

“Wala!” tumawa ko ng malakas. Trip ko lang pahabain ang kwentuhan kaya naglabas ako ng topic na wala namang kabuluhan.

“Ikaw?” tanong nya. “Can you keep a secret?”

Ngumiti lang ako. Mas kapanipaniwala pa yun kesa magsalita ako. Dinampot nya ang isang piraso ng ligaw na dahon. Nirolyo nya yun at inipit ang dulo. Sa unang tingin parang nasisiraan sya ng bait. Inisip ko na lang na baka vegetarian sya, para di na ko magulat kung isusubo nya ang dahon.

“Kaya kong tumugtog gamit ang dahon!” nakakagulat nyang rebelasyon. Hinipan nya ang dulo. Namilog ang mata ko sa pagkamangha. Napakasarap pakinggan. Kung hindi sya magagalit malamang nakatulog na ko sa sobrang lamig ng paligid, isabay pa ang tunog na para akong hinehele. “Bilib ka no?”

“Galing!” pumalakpak ako. “May talent ka pala! Akala ko kakainin mo yung dahon e!”

“Siraulo!”

Tatayo na sana ako para tumakbo papalayo sa kanya, kaso mabilis nyang napigilan ang braso ko. Tinitigan nya ko na parang salarin sa pagnanakaw ng kalamay. Hindi ako kumurap. Mahirap na, baka may kung anong gawin sya.

“Abot mo yung bato!” utos nya.

“Para saan?” napalunok ako. “Pupukpok mo sa ulo ko?”

“Sira! Bilisan mo!”

Buong ingat kong inabot sa kanyang kamay ang batong nakakalat, habang nakadepensa naman ang isang kamay ko, kung sakaling sapian sya ng espiritu ni Leonidas. Yumuko sya matapos makuha iyon. Napangiti ako sa ginawa nya. Gamit ang bato isinulat nya ang kanyang pangalan sa ikatlong baitang ng hagdan. Kahit lalaki siguro kikiligin, lalo’t nakita kong kasunod ng pangalan nya ang hugis puso. Kaso napalitan ng pagkadismaya nang isulat nya ang pangalan ko na imbis na Noel, ay naging Estong.

“Marta, biro ko lang yun” pag-amin ko sa sinabing dadalhin ko ang unang babaeng mamahalin ko sa pwesto namin ngayon.

“I know,” prangka nyang sagot. “Pero sa pagsasalita mo at sa pagkaseryoso ng mukha mo, I know that you mean it.”

Tinalo ng halakhak namin ang ingay ng mga kulisap. Hindi sinasadya, sa sobrang tuwa. Nahalikan ko sya sa pisngi. Hindi scripted yun kaya parehas kaming namula. Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang sya sa sinulat nya. Naghanap naman ako ng bituin sa langit.

“May isa pa kong sikreto,” basag nya sa katahimikan.

“Ano?”

“Hindi lahat ng naging boyfriend ko ay may access sa labi ko,” napalunok ako ng napakabagal. Sa sobrang tense nakalimutan ko ang isasagot ko. “Kiss me”

Isang mainit na halik. Makabuluhan bago maghiwalay ang aming labi.

“Hindi ba sabi mo malamig na dito? Baka magkasakit tayo,” nag-aalangan ang kanyang tono. Tumayo ako para alalayan sya. Naglakad sya papasok ng parang wala sa sarili. Bago pumasok nilingon ko pa ang kanyang isinulat. Napangiti ako.

“Marta!” habol ko. Huminto sya. “Dalawa lang ang kwarto sa taas, occupied na ng parents ko ang isa”

“Alam ko!” asar nyang sagot “So, tatayo ka nalang dyan?”

tbc..

At Last

$
0
0

Sapat na ang paglagpas ng buhok sa aking mga balikat para sukatin ang dalawang taon. Kung hindi pa babawasan ang makapal na balbas sa aking pisngi at baba, hindi ko siguro makukuha ang tiwala ng tauhan ng NAIA para papasukin ako sa arrival. Kasabay ng paglapag ng eroplano ay ang pagtaas naman ng aking ngiti. Kulang ang dalawang pakete ng chewing gum para tanggalin ang nerbyos na nagsisimulang mabuo.

Mapapalampas ko ang paboritong noon time show sa syete, pero hindi ang pagbabalik ni Dennise. Gusto kong ang unang makita nya ay ang huling taong iniwan nya noong umalis sya. Inilalarawan ko sa isip ang kanyang ngiti na alam kong hindi magbabago kahit ilang end of the world na prediction pa ang dumaan.

"Tulungan na kita!" alok ko sa kanya. Hindi pa sya sumasagot mabilis ko ng naagaw ang kanyang maleta. "Kumusta ang byahe?"

"Nakakapagod din pala ang maupo," tulad ng madalas nyang gawain, pinaikot nya muna ang kanyang braso sa aking bewang, bago suriin kung nadagdagan na naman ba ang height ko. "Kaunti lang pala nadagdag"

"Hindi kasi ako tumalon noong nakaraang new year, 'di pala enjoy kapag wala ka"

"Coffee?" bilog ang kanyang mga mata, "Marami akong kwento"

"Sige, miss ko na yung treat mo e!"

Sumakay kami ng taxi.  Nostalgic. Yung pakiramdam na inihatid ko sya dito ay parehas na parehas. Pati pagdaan sa lubak ng sasakyan ay tandang tanda ko pa. Halos walang pinagkaiba, maliban lang sa hindi pagkakasundo namin noon. Maraming bagay na pinagtatalunan na nakakabilib na hindi namin ginagawa ngayon. Siguro nga, dapat talagang mawala muna ang isang tao sa iyong tabi bago mo maunawaan ang mga pagkakamali. Ang pagpapalit ng kalendaryo ang nagpapatunay sa bagay na yun.

Sobrang namiss ko si Dennise. Hindi maikakaila sa eyebag na tumubo lang sa loob ng tatlong gabi nang mabalitaan kong pabalik na sya. Nabura lahat ng masasakit na salitang binitiwan nya sa akin bago kami naghiwalay. Ibinalik kong muli ang singsing sa aking daliri na nagpapahiwatig ng kapatawaran at pagpapakumbaba. Asawa ko si Dennise. Ex-girlfriend. Super crush noong bagong lipat sila sa lugar namin. Pero sa sandaling 'to para nalang kaming normal na tao na matagal na magkakilala. Parang tipikal na barkada, o kakwentuhang kapitbahay.

"Sorry kung hindi ko agad nasabi na pabalik na ko," ani Dennise habang sinusubukang idampi ang labi sa bibig ng plastik na baso. "Gusto sana kitang i-surprise eh!"

"Well, you got me! Good thing madali lang mauto ang sister mo. Akalain mong cap lang na may signature ni Mark Caguioa ay ilalaglag kana nya," natatawa kong sagot.

"Hindi talaga mapagkakatiwalaan yun!"

"Maiba ako, parang Divisoria lang ba ang Namdaemun Market? Nahanap mo ba yung gustong gusto mong sapatos? Anong lasa ng kimchi at soju?" sunod-sunod kong tanong. Mailihis lang ang kanyang mga mata na bigla nalang napako sa aking kamay.

"Sabi mo naiwala mo yan?"

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay para amining hindi sya bulag para hindi mapansin iyon. "Na-missed place lang pala"

"Yan ang reason kung bakit kita nagustuhan, at kung bakit ako pumayag magpakasal sayo" hindi maitago ang kanyang ngiti.

"Dennise, sorry!" nalaglag na ang emosyon ko. Nabasag ang pader ng pagiging maton. "Corny, pero.. Sana mapatawad mo ko."

"Noong nagdecide na ko bumalik, napatawad na kita" dinukot nya sa kanyang bulsa ang kapares ng suot kong singsing.

Hindi nga naman sayang ang pagpupursigi sakin ng kapatid nya para harapin kong muli si Dennise. Totoo palang marunong magpatawad ang kahit sinong babaeng nasaktan, basta't alam nilang may laman ang salitang sorry. Mahal ko sya, tulad ng sagot nya, mahal nya din ako. Mga salitang madali lang banggitin noon, pero tila napakahirap ng hanapin ngayon. Akala ko sa pag-alis nya ay tapos na ang sinimulan namin. Wala nga palang magandang end ang isang kwento kung walang maayos na bagong simula.

"How about Reina?"

"She's good. Kahawig na kahawig ng mommy nya"

"Mabait si Lenny, sana wag mo syang lokohin ha!" nakataas ang kanyang isang kilay. "I need to go na. My sister is waiting for me, nagtext na sya"

Agad kong binuksan ang bag na dala ko. Inilatag ko ang iilang dokumento na syang unang dahilan ng muli naming pagkikita. Hindi na sya nagdalawang isip. Mabilis syang pumirma. Hindi na nya nakuha pang basahin, kahit anumang bagay na nilalaman ay alam kong tanggap na nya.

"So, ito na pala yung last," isang halik na nag-landing sa aking pisngi.

"Friends?" tanong ko. Isang ngiti na may libong kahulugan ang kanyang binitiwan. Nakapaloob ang lahat ng emosyon at mga nakaraan. Senyales na tapos na ang kahapon, at may bagong bukas na kailangang paghandaan.

"Friends!" sigaw nya.

"At last," salitang naging paalam ko.


-wakasness


Pers Taym [R18]

$
0
0
Suot ang bagong biling underwear, buong puso kong nilundag ang bahay nila Jen mula sa amin. Lahat halos ng kasabay ko sa pampasaherong dyip ay nagtataka. May napapailing at may bakas sa mukha ang pagpipigil ng tawa. Paulit-ulit ang ginawa kong pagbasa sa text message nyang nagpalapad ng aking ngiti. Nagalit pa si ermats nang hindi ko nabigyang pansin ang inihanda nyang agahan.

"Mon, umalis na sina Mommy at Daddy," text nya.

Sa wakas, hindi na ko magtitiyaga sa mga pahina ng FHM. Sa maliit na screen ng aking cellphone, at sa mga tumatalon talon na DVD. Sa ika-dalawang anibersaryo namin ni Jen, sa wakas, napagbigyan na din ang aking hiling na tapusin na namin ang aming pagiging virgin. Matatapos na ang aking pagiging curious sa larangan ng sex.

Nagbabalak na sana akong mag-shift ng gerlpren kung aabot pa kami ng isang araw matapos ang second anniversary. Mabuti nalang ang nagets nya kaagad ang pahiwatig ko matapos kong himas-himasin ang bibilugin nyang hita noong nakaraang linggo sa park. Alam na siguro ang takbo ng isip ko. Pag-iisipan pa ang tipid nyang sagot, kahit halos nawawala na ang itim sa kanyang mga mata sa tuwing kinikiliti ko sya sa batok.

"Pasok ka," bungad nya. Dinampot ko muna ang nalaglag kong mga mata matapos makitang manipis na daster lamang ang kanyang suot. "Juice? Kape? Coke?"

"Coffee, diet"

"Loko!"

Hahakbang na sana ako papasok nang magtext si ermats. Nilaro nya ang kanyang nguso, palatandaang hindi ito ang oras para magbasa ng mensahe. Binulsa ko na bago pa magbago ang isip nya. Sininghot singhot ko muna ang bango ng kanilang sala  hanggang umabot kami sa kwarto nya. Walang ingat kong ibinagsak ang pinto para malaman nyang hindi sapat ang salitang sabik sa mga sandaling 'to.

"Sigurado ka bang mamaya pa ang balik nila?" tanong ko.

"Bukas pa, hindi mamaya"

"Ayos!"

Nagsisimula na kong tanggalin ang tshirt ko nang itulak nya ko sa kama. Abot langit ang ngiti ko ng maalala ko ang ganitong eksena sa pelikula ni Osang. Hindi ako kumilos. Hinayaan kong sya ang gumawa ng hakbang, kung iyon talaga ang plano nya.  Dahan dahan syang gumapang mula sa paanan ko hanggang sa aking dibdib. Dahan-dahan naman ding sumisikip ang suot kong lonta.

"Ready?" mapang-akit nyang tanong. Hindi ako kumibo, dahil sa itsura ko palang na mukhang pinagsama ang constipation at diarrhea ay malalaman na agad ang sagot.

Hinila nya sa ilalim ng unan ang isang panyo. Kulay pula. Magtatanong pa sana ako kung para saan, subalit huli na nang itinakip nya iyon sa aking mga mata. Lalo pang sumikip ang aking lonta. Sunod nyang itinali ang aking mga kamay sa magkabilang dulo ng kama. Biglang nawala sa isip ko ang eksena ni Osang. PNP ang pumalit.

"Ahh, Jen wala akong makita,"

Hinalikan nya ko. Matagal. Halos maubusan ako ng hininga. Sunod nyang pinalakad ang kanyang labi sa aking leeg. Nagdulot ng kuryenteng hindi nakakamatay. Nakarating sa aking dibdib. Sa one pack na tiyan. Bumilis ang daloy ng aking dugo. Dinig ko ang kalabog ng aking puso. Napipiktyur ko na ang itsura ng langit ng maramdaman kong tinanggal nya na ang aking sinturon. Nakakakiliti kapag dumadampi ang kanyang mga kuko sa aking balat. Ilang saglit pa, alam kong wala na kong suot na pang-ibaba. Alam ko ding nasa north na ang direction ni junior. Muntik ng maabot ng mga daliri ko sa paa ang aking talampakan ng hawakan nya ang parteng yun. Napakagat labi pa ko. Malapit na 'to sa katotohanan, di tulad ng december 21.

"Jen!" isang malakas na sigaw na sinundan ng sunod-sunod na katok sa pinto. "jen, nariyan ka ba?!"

"Sino yun?!" tanong ko.

"Hindi ko alam!" batid kong natataranta sya kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha.

"Baka parents mo?" naramdaman ko na lamang ang pagtakip ng kumot sa aking katawan. Kasunod ang mga yabag ng paa. "Jen? Jen?"

Naisip ko ang kalagayan ko kung maabutan ako sa ganitong sitwasyon. Ex-marine ang erpats nya. Siguradong sa sementadong drum ako matatagpuan nito kinabukasan. Pinilit kong kalasin ang tali sa aking mga kamay. Mahigpit. Nag face dance para matanggal ang nakapiring sa aking mga mata. Walang tiyansa. Hindi ako sirkero para magamit ang aking mga paa. Buset!

Maya-maya pa'y nakarinig na ko ng sigawan ng mga tao. Nagkakagulo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. May takbuhan pa ng mga kalalakihan. Anong nangyayari?

"Sunog! Sunog! Dali kayo! Sunog!!"

"******ina! Virgin pa ko!"

-end?

Netizen's Choice Awards 2012

$
0
0
NETiZEN'S Choice Awards 2012
Bloggers' Choice for the Most Favorite TV Station


Wala akong interes sa telebisyon. Kung haharap ako sa apat sa sulok nito dalawang bagay lang ang posibleng ginagawa ko. Una, nanonood ng movie. Pangalawa, nanonood ng porn. Kung sasakay ako ng jeep at sisingilin ako ng mas mataas na bayad baka mapaaway bumaba ako. Sa mga kachismisan ko lamang sa tindahan ng lola ko noon nalalaman na may discount na pala ang senior citizen sa sogo jeep. Mamimigay na pala ng condom sa pinakamalapit na eskwelahan center sa amin at bababa ang palitan ng dollar pero tatas ang presyo ng langis. In short, maraming salamat sa internet.

Enwey, ang boto kong mas importante pa ang love life ng bading ay para sa.. 

ABS-CBN ching!


Reasons: Kras ko si Eula Valdez, Julia Montes, Kris Aquino at yung mga nagseseksihang dancers ng Wowowee.



Salamat kay Sir Richard ng LionHearTV, tumatanggap ako ng bibingka tuwing december.


Drama

$
0
0
image credit to orig uploader

"Si Erwin nga pala," biglang singit ni Carla sa kalagitnaan ng kulitan ng kanyang mga tropa, "Boyfriend ko"

"Hello, hello sa inyo!" segunda ko naman.

Panandaliang natahimik ang kanina'y nag-aagawang boses ng magkakaibigan. Kung hindi pa tatayo ang isa para kamayan ako wala din sigurong papansin sa mukha kong pang neutral lang ang dating. Commoner ba.

"Mae, nga pala!" nakangiti nyang bati sabay shake hands sakin. Kinindatan si Carla sabay siko sa tagiliran. "Bilis ng kapalit ha!"

Natawa lang ako. Alam ko kasing joke yun kahit may suntok ng reyalidad. Kahit siguro sino ay hindi maniniwala sa biglaang relasyon namin ni Carla. Kaka-break lang nila ng tatlong taon nyan nobyo, kahapon. Ang totoo pa nga eh, napadaan lang ako sa tapat ng bahay nila. Akala ko nagpa-praktis lang sya umiyak para sa bago nilang stage play sa school, pero nang may sipon ng kasama, alam kong seryoso na ang lahat.

"Si Ruby, Alex, Rein, at Nicole" inisa-isa ni Mae ang bawat miyembro. Ngumiti lang ako tsaka naupo sa bakanteng upuan. "Si Erwin nga pala! Ang bagong boyfriend ni Carla, na medyo suplado" tawanan ang grupo.

Matagal ko ng type si Carla. Ever since isinara ang dating eskinitang nilulusutan ko para madaling makauwi sa amin. Mahilig sya umarte, mag-gitara, at maglaba paminsan-minsan. Noong una tamad pa kong sulyapan sya. Mukha kasing suplada ang dating ng kanyang pagka-chinita. Nag-crack lang ang wall sa pagitan namin ng sinipa ko ang kakalat kalat na pusa noong lasing ako. Nagalit sya. Hindi sa akin, kundi sa pusa. Nakaharang daw sa daan. Weirdong babae.

Nagpalitan kami ng ngiti hanggang sa nauwi sa palitan ng koleksyon namin ng mga cd's. Kanya kayang share sa paboritong banda at iba't ibang genre ng musika. Mababaw na usapan then nauwi sa malalimang kwentuhan tungkol sa buhay pag-ibig. Hindi ako nagkamali. Taken na sya. Kwento ko naman, taken din ako kahit hindi. May maipagyabang lang. Janna ang unang pangalang pumasok sa isip ko, kaya yun ang pinaniwalaan nya.

"San si Christopher?" maingat nyang tanong kay Mae. Ayaw yatang iparinig sakin kahit na 1 inch lang ang pagitan namin.

"Darating daw sya pero male-late lang," sumisiko pa ulit "Ipapakilala mo sya?"

"Hindi!" mabilis na tanggi ni Carla "Ibabalik ko lang itong gitara nya."

Ibang klase magmahal si Carla. Kung kailangang mag-joke ng corny gagawin nya mapasaya lang si Christopher. Kapag may bagyo, hindi bale ng magkasakit maihatid lang ang payong sa pinapasukang eskwelahan. Walang pakielam sa eyebag nya. Ang importante ay matanggap ng kabila ang salitang sorry kahit ang lalaki ang may kasalanan. Lahat iyon, na-chika nya sa akin ng gabing umaagos ang luha nya kasabay ng sipon. Tulad ng role ng totoong bida, pag-comfort sa babaeng mahal nya ang una. May punch line pa na bakit hindi nalang tayo. Sabay ngiti at sundok ng "joke lang!"

"May bago sa tropa?" si Christopher.

Walang gustong sumagot. Lahat nakatingin sakin at kay Carla. Ayaw yatang mapagbintangang kamag-anak sila ni Boy Abunda. Tumayo si Carla para iabot ang gitara. Sabay hawak sa kamay ko at hinila papalayo sa mga kaibigan.

"Carla, wait!" habol ni Christopher. Huminto kami syempre. "Pumunta ako hindi para dito sa gitara. Gusto kitang maka-usap"

"Nag-uusap na tayo"

"Gusto kong mag sorry.."

"Para san?" matapang na sagot ng babaeng nagpipigil ng luha. "Sorry? Para mag sorry?! Para tayo na ulit tapos same process?!"

Nawalang ng script si Christopher. Na-blangko sa atake. Sa expression palang ng mukha nya, alam ko ng gustong lumuhod nito at magmaka-awa para balikan lang sya ni Carla. Pinanalangin kong tatagan nya ang loob nya at wag na muling magpaloko pa sa lalaking umubos ng tissue paper nila at detergent powder kakalaba sa mga panyo.

"Si Erwin nga pala," nakangiti sya. Nahulaan ko na ang kasunod. "Boyfriend ko!"

Palakpak ang tenga ko. Lundag ang puso ko sa tuwa. Masaya ko syang inihatid sa bahay nila habang napag-uusapan namin si Christopher. Ginagaya ko pa ang pagmamaka-awa nya. Inuulit ulit naman ni Carla ang mga sinabi nya na parang 'di makapaniwala sa sarili.

"Thanks, Erwin!" kasunod ng isang yakap. "Buti nandyan ka. May utang ako sayo ha!"

"Hug palang parang bayad na e," biro ko sabay kabig ng joke lang ulit. "Una na ko"

"Ingat, pakisabi kay Janna hindi ko inagaw ang boyfriend nya."

"Makakarating, Miss best actress!" sabay kamot sa ulo.

-end



Byahe

$
0
0
"Sir, positive!" masiglang entrada ni Miko nang abutan ang lalaking pakay.

"Good work!" nakangiting salubong ng hepe. Ngumiti ng hindi nagkakalayo sa aso sabay hagis ng kapirasong envelope. "Pang-good time mo!"

Habang buhay na pagkabilanggo o pagiging asset ng mga pulis ang tanging pagpipilian ni Miko. Matangkad na lalaki. Mahaba't kulot ang buhok. Kumpleto ang kwerdas sa tagiliran at labas ang pakpak sa likuran. Dalawamput pitong taong gulang. Lulong sa shabu. Adik. Peste sa lipunan. Demonyo sa karamihan.

Hawak sa kanang kamay ang foil at sa kaliwa naman ang inoperahang lighter. Buong puso nyang sinusunog ang kaluluwa sa kapirasong puting bato na walong taon nyang sinamba. Sa maliit na dampa sa tabi ng ilog. Subsob ang sarili. Doon sya naabutan ng mga raid, tatlong buwan na ang nakaraan. Imbes na sumuko, mas pinili pang tumalon sa ilog. Mabuti na raw ang mamatay, keysa buhay ngunit pinagpipiyestahan ng mga surot sa kulungan. Mababaw ang ilog. Kung binasbasan ka nga naman daw ng malas, sa batong nakausli pa sya tumama.

Sa hospital nya nakilala si Hepe. Maliit na lalaki. Mataba. Walang pinagkaiba ang itsura sa usok na kanyang sinisinghot. Klase ng taong mas nakakatakot kapag ngumiti. Kapalit ng pagiging malaya, isang nakakagimbal na resposibilidad ang pinilit kay Miko. Kalahating milyon maituro lamang kung saan impyerno nanggagaling ang mga demonyo.

"Sir, delikado yung pinapagawa nyo sakin," tanggi ni Miko.

"Gago! Anong delikado? Bibigyan kita ng pera! Mag-shabu ka lang doon sa kuta nila, delikado ba yun?"

"Bibihira lang nakakapasok dun e!" giit pa din ni Miko. "Tsaka hindi nila ako basta-basta paniniwalaan"

"Kaya nga may pera eh! Mag shopping ka! Alam mo namang matutuwa ang management kung malakas ang sales" biro ng Hepe kasunod ng isang akbay sa balikat. "Tangnamo mabubulok ka sa kulungan! Kikintab ang rehas kung aaraw-arawin mo ang paghimas"

Tatlong buwang naglabas pasok si Miko sa bahay ng kanyang target. Pinag-aralan lahat ng galaw ng bawat miyembro. Maingat ang kanyang kilos. Hindi sya dapat magkamali. Nakuha nya ang tiwala ng mga tao. Naging kadikit pa ang drug lord. Sa huling buwan halos sisiw na sa kanya ang lahat ng impormasyon. Nagbuhay hari sya sa piling ng mahal nyang bisyo. Naging instant pusher pa ang lalaking bigtime sa katarantaduhan. Lahat ng tauhan nakatingala sa kanya. Lahat ng adik pinupuri sya. Larawan ng isang santo sa hardin ng mga taong buhay na nagmimistula ng patay.

"Sir, positive!"

"Good work!" sagot ni Hepe. inihagis ang kapirasong envelope na naglalaman ng kabayaran. "Pang-good time mo!"

Mabilis na kumilos ang kumpol ng mga parak. Nakahanda sa isang malaking operasyon. Babagsak ang ilang kilo ng shabu na kayang bumuhay ng isang baranggay ng mga adik. Ang mayamang impormasyon na galing kay Miko ang naging basehan. Agad na tumulak ang grupo kasama si Miko. Sa kanya magsisimula ang senyas kung papasok na ba ang mga pulis. Maaga nilang narating ang lugar. Tahimik na pinalibutan ang buong kabahayan. Handa na ang lahat, pati na din ang asset na may malaking share na nagbigay daan sa kanya para makasama sa hatian.

Buo't malagkit ang mga butil ng pawis ni Miko habang pinagmamasdang isalin sa isang palangganang kulay asul ang mga agimat. Nang handa na ang lahat, pasimple nyang ipinasok sa bulsa ang kanang kamay tsaka pinindot ang tawag na magiging signal para pumasok na sa eksena ang mga huwarang alagad ng batas. Ilang saglit pa'y nagkagulo na. Mabilis ang pangyayari. Nakita na lamang nya ang sariling nakasakay sa kotse kasama ng mga taong ipinagkalulo nya. Nakaposas ang kanyang mga kamay. Maraming tanong ang umiikot sa kanyang kakarampot na utak na matagal ng sinunog ng kapiranggot na usok.

"Sir, saan nyo kami dadalhin?" balisa nyang tanong kay hepe na nasa harap lamang.

"Mas bagay sayo ang paraiso, keysa sa selda" natatawang sagot nito.

Huminto ang takbo ng auto. Lumingon si Hepe. Nagblangko ang lahat ng inilabas nito ang malamig na kapiraso ng bakal sa kanyang tagiliran.

-end

Eskenita

$
0
0
Pagsipot ng kasamaan, kasunod ay kahihiyan;
Kapag nawala ang karangalan, kapalit ay kadustaan.
KAWIKAAN 18:3


Tatlong araw nang tambay ang dalaga sa makipot, madilim, at mapanghing eskenita sa may kanto ng Granada. Kung ano ang ayos nya noong unang beses ko syang nakita, ay ganoon pa din hanggang ngayon. Itinago ng dungis ang natural nyang kagandahan na mapapansin lamang kapang sya'y tititigan. Balot ng lungkot ang kanyang mga mata. Pansin ang natuyong luha na nagmistulang linya sa kanyang kaliwa't kanang pisngi. Sa unang tingin, mukhang malubak ang kanyang nakaraan.

Apat na araw nang tambay ang dalaga sa makipot, madilim, at mapanghing eskenita sa may kanto ng Granada. Huminto ako para bumili ng yosi. Inalok ko sya pero mas pinili nya ang kendi. Maaliwalas ang kanyang ngiti kumpara kahapon. Bago na din ang kanyang suot. Mas kahali-halina ang kanyang ganda na bahagyang lumitaw ng sya'y ngumiti para umarbor pa ng isa.

Limang araw nang parokyano ang dalaga sa makipot, madilim, at mapanghing eskenita. Doon pa din sa may kanto ng Granada. Manong ang naging bansag nya sa akin tanda ng panghihingi ng isang piraso ng kendi. Mas maamo ang kanyang mukha mula nang una kaming magkita. Nag-abot lang ako tsaka dumiretso. Nalimutan ko nang mag-usisa kung bakit palagi syang nag-aabang sa eskenita.

(image credit to orig uploader)
Mag-iisang linggo nang tambay ang dalaga sa makipot, madilim, at mabantot na eskenita sa may kanto ng Granada. Araw-araw na din akong nagtitira ng barya. Lalong nakakasabik kapag alam kong naroon lang sya at biglang bubulaga. Yumuko ako para abutan sya. Abot tengang ngiti ang naging sukli nya. Nag-sindi ako ng yosi, humithit, bumuga, tsaka nagsimulang magtanong. Bigo ako. Tango lang sagot sa tuwing uungkatin ko ang kanyang kasaysayan. May lalaking lumapit. Payat. May uban, at medyo matangkad. Tama nga ako. Ang kwento nya'y tugma sa aking teorya.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw nang tambay ang dalaga sa makipot, madilim, at mabahong eskinita sa may Granada. Pero 'di tulad ng nakaraan. Malayong malayo na ang kanyang anyo sa kung paano ko sya nadatnan. Kagiliw-giliw, masayahin, at laging maayos na ang kanyang itsura. Walang pasok kinabukasan. Nagbaklas ako ng tansan sa bote ng serbesa. Inalok ko sya ng palagi nyang inaabangan sa tuwing ako'y nadaraan. Matino ang naging usapan. Nagsimula na syang magkwento. Naging madaldal. Lalo pang tumindi ang pagnanasa ko sa kanyang kagandahan. Napaparami tuloy ang naging lagok ko sa bawat tawa at ngiti na kanyang binibitawan. Nagpa-alam sya. Pinigilan ko. Pinangakong limang minuto lang at lilisan na din ako.

Wala na ang dalagang tambay sa makipot, madilim, at mapanghing eskenita sa kanto ng Granada kinabukasan. Tanging mga ala-ala na lamang ng kanyang mga ngiti ang naiwan. Umiwas ako ng tingin sa mga taong nakauniporme na kakalat-kalat. Nabitiwan ang kendi sa gulat nang may biglang tumawag sa aking pangalan. Iniwasan ko ang bawat tanong, pero matindi pa din ang kanilang hinala. May naglakas ng loob. Gamit ang daliri, itinuro nya ko bilang salarin. Umamin ako sa kasalanang hindi ko sinasadya. Ang dalaga sa kanto ng Granada, hindi na makilala ang itsura na natagpuan sa kabilang eskenita.

Spotlight

$
0
0
(image credit to orig uploader)


Huli na nang mapansin kong pundido na pala ang bumbilya sa aming banyo. Parang kailan lang kaya pang idetalye ng liwanag nito kahit ang linya ng mga langgam. Napakamot ako. Kahit walang salamin sa harap, nakita ko ang aking sarili. Tulad ng pundidong bumbilya, hindi na maipagkakailang wala ng nakakakilala sa taong ilang taon ding nagpasayaw-sayaw sa kumukurap kurap na spotlight ng katanyagan. Darating din pala sa puntong wala nang papansin sa'yo kapag sumapit sa panahong hindi kana pwedeng pakinabangan.

"Pasok ka," kahit walang reaksyon halata sa tinig ni Jose ang tuwa. "Kumusta ka naman? Akalain mong dito din pala tayo magkikita"

"Napadalaw lang po," maiksi kong sagot. Ilag sa kung ano mang tanong na may kinalaman sa aking pagkatao.

"Maiwan muna kita ha. Naroon lang ako."

Tahimik kong inayos ang aking sarili. Alam kong anumang oras ay may babagsak na luha sa aking mga mata. Ayokong makita nyang talunan ako sa huli. Sya ang pumigil sa akin noon, pero 'di ko sya nagawang pakinggan man lang. Mas pinili ko ang estado sa buhay na siguradong may ending na tulad nito. Hindi ko pwedeng sisihin ang gumagawa ng horoscope dahil sinabi nitong may nilaga sa kaunting tiyaga.


Bumalik ako sa lugar kung saan ako mismo ang nagsabing tuluyan ko na syang iiwan. Baon ang pagsisisi at masamang balita. Bagsak na mga balikat ng aking pamilya ang sumalubong sa akin. Alam na pala nila ang lahat. Naubos na nga daw ang pangaral bago pa ko dumating. Tinanggap nila ulit ako. Niyakap. Inaruga. Hindi tulad ng mga taong nakinabang lang sakin. Nakisabit lang sa byahe, at nakipaglitan ng mga pekeng ngiti at nagsabing mamahalin ako.

Natuto akong tumanggap. Nalaman kong mahirap palang maging tunay na ikaw, kung nasanay kang may mga taong laging nandyan sa tabi mo. Mga taong iiwan ka din pala kapag olats kana. Tumayo ako ng diretso. Hinarap ko ang reyalidad na ilang beses ng tumatawag sa akin. Hindi na ko tulad ng lamok na natutuwa sa kapirasong liwanag na alam kong may bitbit na panganib. Iniwan ko na ang isa pang tao sa aking loob na nangahas at nagpahamak sa akin. Nagpa-alam na ko.

"Saan ka pupunta?" pigil sa akin ni Jose. "Magsisimula na ang misa"

"Nasabi ko na po ang gusto kong sabihin. Patawad na lamang ang aking hiling"

Lumabas ako ng simbahan. Bitbit ang paniniwalang may bagong buhay na nag-aabang. May mga mukha akong nakasalubong na tila hindi na pamilyar sa akin. Iba sa mga taong nakapaligid sa akin noon. Ngumiti ako kahit hindi ko sila kilala. Pakiramdam ko'y totoo lahat sila. Bumalik ang tiwala ko. Higit, sa aking sarili.

"Julie? Ikaw na ba yan?" hinila nya ko papalabas ng simbahan. "Ano'ng nangyari sayo?"

"Nagkasakit ako. Kumusta ang trabaho?"

"Umalis na ko. Tulad mo--bagong buhay. Tsaka 'di na din bagay sa edad ko. Wala ng customer na pi-pick up sa'yo lalo't di na kayang itago ang mga guhit sa mukha mo"

-end

Kutilyon

$
0
0
image credit to orig uploader

Kanang paa. Kaliwang paa, paharap. Ikot. Last move na ang tingin. Pang-ending ang ngiti na ilang beses ko nang praktisado pero 'di ko pa din magawa lalo't kaharap ko na sya. Susmaryosep! Sana kagwapuhan nalang ang pinamana sakin dehins na sana sinama ang katorpehan. Napapadalas na ang dance rehersal para sa nalalapit na kutilyon ni insan. Napapadalas na din ang silay ko kay Cindy na ilang beses ko nang dineny sa lahat ng tamang hinala, pero sa huli tyempo pa din ang pagsabay ng smile ko sa bawat indak nya. Bwiset!

"Sa Monday nalang ulit," paalam nya sa akin. Naalok ko na lahat ng pwedeng ialok kahit ang panonood ng mga batang pawisan sa parke, pero tumatanggi pa din sya. Lahat na yata ng klase ng pamatid uhaw nabili ko, kahit na alam kong ibibigay nya din naman sa kaibigang kasama sa praktis. "Praktis ka ha!"

Inakbayan ako ni Insan. May ngiting ang sarap hampasin nalang bigla ng dyaryo, kung 'di lang sya babae. "Kuya, type na type mo talaga si Cindy eh no?" Dahan-dahan kong inangat ang kanyang braso paalis sa aking balikat. "Sya may type sakin! Kita mo naman sa tuwing hahawak ako sa beywang nya halos managinip ng gising!"

Hindi ko talaga alam kung saang lupalop ko nahuhugot ang kapal ng aking mukha kapag kaharap ko si Insan, o talagang malakas lang ang amats ko kay Cindy. Gusto ko nang umamin. Gustong-gusto ko na rin kurutin sya sa pisngi paminsan-minsan. Hindi ko inakalang dito pala hahantong ang pagsang-ayon ko na sumama sa kutilyon. Fate ba yun? Sa libo-libong panang lumilipad mula langit, swerteng tumama sakin yung isa. Pero sana man lang sabay kaming natuhog ng iisang palaso. Hindi na sana naungkat ang pagiging torpe.

Sumapit yung gabi na minarkahan ko sa kalendaryo. Gabi ng debut ni Insan. Kung saan huling moment na naming sasayaw. Hindi na 'to praktis, kaya alam kong after nito wala na kong Cindy na makikita pang muli. Bumili ako ng dalawang bugkos ng roses. Isa kay Insan. Yung isa sa basurahan kung 'di tatanggapin ni Cindy.

Lakas ng kabog ng dibdib ko ng sinabing sasayaw na daw kami. Parang ayaw kumalas sa upuan yung pwet ko. Itong tuhod ko ngayon pa tinamaan ng sakit. Hindi ako makalad ng deretso. Sinuyod ko ang dilim. Hinanap ko si Cindy. Lahat may partner na. Tumingin ako sa paligid. Syet! Wala si Cindy! Tinanong ko agad si Insan. Na-alarma ako dahil medyo mahal ang bulaklak ngayon. Wala namang refund kaya lugi agad kung di mapapakinabangan.

"Sorry, di ko nasabi. May sakit sya eh! Hindi daw makakadalo." malungkot nyang balita. "Pero nandito ang kapatid nya. Kabisado nya daw ang step kaya walang magiging problema." Nga naman. Si Cindy nga pala ang dance instructor. Pamilya nila ganito ang raket kaya alam kong kahit kapatid ay 'di sasablay.

Natapos yung gabing 'di ko man lang sya nakita. Sagwa. Kung alam ko lang na magkakasakit sya, sana pala sa kanila nalang ako tumuloy. Paparesan lang ng prutas yung bulaklak, di kana obvious na may masamang intensyon. Hinatid ko nalang yung kapatid nya hanggang sa gate ng venue. Magpapa-alam na ko ng hablutin nya yung roses. Muntik ko na syang masigawan.

"Kay Ate ba 'to?"

"Oo." tipid kong sagot. "Pakibigay mo nalang"

"Tama nga kwento nya. Sweet ka daw, kaya siguro nagkasakit baka hinahanap ang alaga mo" napalunok ako. Akala ko sa facebook lang ako madalas pag-usapan. "Dalaw ka daw sa bahay!"

Ngumiti ako. Unlimited hanggang maka-uwi. "Ayos!"

-end


Mukha

$
0
0
piktyur galing sa epbi. salamat sa nagpost :)

mga katok sa babasaging bintana,
ng mga paslit na sa kalsada'y gagala-gala.
kapalit ng baryang pamatid gutom,
ang buhay na hiram lamang sa panginoon.

mga musikang umiikot-ikot,
likha ng matandang namamalimos.
'di alintana ang galit ng haring araw,
masulit lang ang baryang inaasam-asam.

mga pekeng ungol at ngiti,
ng dalagang namimilipit na sa pait.
sa kaunting salapi, lahat ay ipinagpalit.
kahit na ang kaluluwa'y magkapunit-punit.


Sharon and I

$
0
0

End of the World?
Doomsday?
Siyensya o Pulitika?

A three part story na hindi pang-valentiMes day.


Isang mainit na yakap ang ibinigay ko kay Sharon. Banayad kong hinalikan ang kanyang noo, tsaka muling inilapag sa harap ng kanyang nakahandang hapunan. Alam kong ngiti ko ang pakay nya sa ginagawang pagkaway ng kanyang mumunting buntot. Kinalampag ko ang pinggan para kunin ang atensyon, pero mukhang halata na sa kanyang itsura ang pagkapurga sa sardinas na isang linggo na din naming pinagsasaluhan.

Binuhat ko ang sariling katawan papalayo sa madungis na higaan. Pinagmasdan ang kapirasong liwanag na nagmumula lamang sa makitid na siwang sa bintana. Napakaganda ng buwan ngayong gabi. Sayang nga lang at di ko ma-appreciate dahil tadtad ng duck tape ang paligid ng bintana, ganoon din ang pinto, at kahit ang mga butas sa bubong. Dilaw na ang kulay ng aking balat. Matigas na din ang aking buhok. Tanda ng isang linggong hindi pakikipagbuno sa tubig. Para saan pa? Wala namang matinong taong natitira pa sa labas ng ga-kubetang laki ng bahay na aking napiling pasukin kailan lang.

"Jef! Jef!" nilingon ko ang likuran ni Beng. Wala namang humahabol pero kung makasigaw daig pa ang nakikipag-agawan sa pila ng NFA rice. "Lumikas na tayo! Isama mo na si Mamang at si Sharon!"

"Nasisiraan ka na ba?" agaran kong tutol. "Malabo yang pag-gunaw ng mundo na sinasabi sa balita. Mas maniniwala pa 'ko sa kwento ng barbero"

"Bahala ka kung ayaw mo! Pero lahat ng tao sa kabilang baryo ay naka-alis na."

"Oh, ba't di kapa sumama? Baka magsara yung gate ng barko ni Noah, di kapa naman marunong lumangoy"

Ewan ko ba! Yung mga ungas na kapitbahay namin ayaw tumaya ng lotto, kasi malabo daw na manalo pero ang hulang ipinalabas sa telebisyon ay pinatulan. Hindi ko alam kung nasinghot na nila yung global warming o sadyang trip lang nilang patulan yung offer ng gobyerno na maaasahan lamang kapag ganitong sitwasyon. Hindi kaya tropa yung manghuhula at si gobernor? Ganoon naman 'di ba kapag malapit na ang eleksyon? Labo.

"Mabuti pa umuwi kana sa inyo, tapos dalhin mo 'to" inabot ko sa kanya ang nakatiklop na papel.

"Ano yan?"

"Dasal yan! Ipinaman ni Lolo bago mamatay"

"Gago!" inihagis nya sakin pabalik yung papel pero bilog na ang korte. "Anong gagawin ko sa bill ng ilaw!?"

Yun na yata ang huling sandali na nagkita kami ni Beng. Sayang. Hindi ko pa nasabing crush ko sya sa tuwing parehas kaming lasing at wala nang pambili ng pulutan. Bumalik ako sa pwesto matapos maibenta lahat ng kalakal. Tulad ng nakagawiang life style. Dumaan muna ako sa bayan para bumili ng panghapunan. Kalat na ang dilim ng makarating ako ng bahay. Ang aso kong si Sharon ang sumalubong sakin. Beso-beso. Nakakapagtakang tahimik at 'di nagbukas ng tindahan si Aling Conchita na madalas ko noong naabutang nakikipaglaro ng dama sa mga parokyanong lasenggo sa kanyang tapat.

"Mamang!" walang sumagot.

"Mamang!" may kaunting kaluskos. Sinilip ko ang kwarto na pinaglalatagan ng mahinang katawan ni Lola. Namilog ang aking mata ng makita kong wala na sya. Tanging ang sweet n sour na arinola na lamang ang naiwang bakas nya. Tumakbo ako papalabas. Naghanap ng pwedeng mapagtanungan, pero kahit footprints ay wala akong nakita. Walang tao sa paligid. Malinis ang lugar na dating hitik sa mga nagtatakbuhang batang walang salawal.

"Mamang!"

"Nakita ko sila ni Beng. Dinala na sya sa bayan. Magpapa-iwan ka ba dito?" si Mang Hector. Bitbit ang kalawanging electric fan at ilang piraso ng FHM magz. "Isang linggo nalang gugunaw na ang mundo. Makinig ka ng balita iho"

"Hindi po totoo yan Mang Hector! Hula? May Diyos tayo 'di po ba?"

"Anak, ang paniniwala sa Diyos ay tulad ng paniniwala sa hula. Suntok sa buwan"

"Magkaiba yun! Ang hula tao ang may gawa. Pero ang paggunaw ng mundo ay may kinalaman sa nagpapa-poging kandidato sa darating na Mayo!"

"Ano daw?!" napakamot sya ng ulo "Sya! May sarili ka namang isip. Gamitin mo yan lalo't di pa malabnaw"


End of the world? Doomsday? Ewan ko kung hanggang kailan maniniwala ang mga tao sa maling impormasyon na galing lamang sa manghuhulang binunot lang sa balbas ang ideyang magpapasikat sa kanila. Sawa na siguro ang sangkaterbang pilipino sa pagbabasa ng recycle na kwento tungkol sa kahirapan ng Pinas sa dyaryo at naisipan nalang i-absorb ang lumang kwento ng katapusan ng mundo na binago, ngunit mas pinakulay para may uto-utong pinoy na mabibiktima.

Kinagat ni Sharon ang laylayan ng aking pantalon. Galit syang tumatahol. Bumalik ako sa ulirat mula sa pagkakatitig sa bintanang ni-retoke. Ilang beses ko syang sinaway pero tuloy pa din ang kanyang pag-aalborot.

"May tao pa ba dyan?" tinig na nanggaling kabilang dako ng ding-ding ng bahay. Alam kong tao iyon dahil hindi sya tumatahol.

"Meron!" mabilis kong sagot.



itutuloy din..

One Morning of July - 14

$
0
0
image credit kay idol Mela

Kahit ang DPWH ay 'di kayang gibain ang ngiti na bumakas sa aking labi. Kahit ilang pulitiko pa ang magtangka, mukhang hindi uubra. Kung babalik ako ng highschool at susulat ulit sa slumbook, ang sarap isagot sa tanong na happiest moment ang pag-ukit ng pangalan nya sa baitang ng aming hagdan. Corny talaga, pero kahit si tulfo kikiligin. Iba talaga ang takbo ng kwento namin ni Marta. Kung kaya lang i-predict ng tao kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, siguro 'di na aabot pa sa ganito. Pero, siguro.. Kaya walang access ang tao sa future, para malaman natin kung paano bibigyan ng halaga ang mga bagay na pinaghihirapan.

Wala na naman si Marta pag-gising ko. Hindi na bago yun, pero may biglang takot na baka 'di ko na talaga sya makita sa mga susunod na araw. Isang linggo? Alam kong pagbalik namin malaki ang posibilidad na gigising nalang ako ng walang babaeng sisigaw o magkukunwaring iba ang pangalan nya.

"Estong!" salubong sakin ni Marta. Nagbura muna ako ng ngiti, para 'di halatang may bakas pa ang mga naganap kagabi. "Let's have a date!"

"Tanghaling tapat date?" bulong ko. "Malayo ang bayan dito, tsaka 'di uso dito ang mamahaling kape"

"Sino bang magkakape sa tanghaling tapat?" giit nya. Bahagyang kumunot ang noo. "Sige na, please!"

Yari! Sa 7,300 na lenggwahe sa mundo, mukhang walang salitang kayang i-describe ang pagiging under ko, lalo't sasabayan pa ng lintik nyang mga mata na sumisingkit kapag may kailangan. Hindi kayang hawakan ng pagiging maton ko kapag gumagamit na sya ng mga salitang nangingiliti sa aking imahinasyon. Tumanggi ako, hindi dahil tanghaling tapat pa, kundi, gusto kong makita ang side nya bilang tunay na Marta.

"Wow!" halos pasukan na ng langaw ang kanyang bibig sa pagkamangha. "Bakit 'di mo agad sinabing may market pala kayong parang kalsada lang ng Paris?"

"Mukha lang maganda sa paningin mo, o masama lang epekto sayo ang sariwang hangin" bulong ko. Pumasok kami sa isang maliit na stall na may tindang pang-souveneir. "Dito tayo! Marami kang makikitang maganda rito"

Nag-ikot ikot kami sa loob. Lahat halos ng makikita nya ay 'di maiwasang mamangha, kahit pa ang simpleng beaded coin purse nagmumukhang Prada sa kanyang paningin. Weird talaga ang mga taong lumaki sa apat na sulok ng sibilasyon.

"Magkano po?"

"200 nalang dahil maganda ka," nakangiting sagot ng lalaking nagtitinda. Nakalingat lang ako namakyaw na ng mga bagay na 'di mawari kung ano ang itsura.

"Bagay ba sakin?" tanong nya habang sinusukat ang kwintas na yari sa pinagdugtong-dugtong na seashell. Umikot pa na parang nangangailangan na ng medical treatment.

"Bagay! Bagay sayo! Sa conyo age ba 'di uso ang mumurahing kwintas?"

"Yabang mo! Hindi ka lang talaga maka-appreciate ng fashion!"

"Fashion daw oh, eh mukha ka nang posteng pinagpyestahan ng mga jumper ng kuryente"

"Break na tayo!"

"Ay, ito maganda! Sige sabit mo sa kilay mo!"

Kung enerhiya ang pag-uusapan, pwedeng gawing altenative si Marta sa mga lugar na uso ang brown out. Hindi ko pa nai-sasayad ang pwet ko sa bakanteng upuan, nagyaya na agad na lumipat ng ibang lugar. Mas trip daw nyang mamasyal talaga sa mga lugar na 'di pa nasasayaran ng kanyang mga mata. Uncharted territory ang dating sa kanya ng mga puno at palayan.

Sunod ko syang dinala sa pinakamalawak na rice field. Yung hindi kayang tanawin kahit gumamit ng AR15 scopes. Napatawa ako habang iniisip ko ang pag-back out nya. Alam kong sa ganito pwedeng maubos ang lakas nya. Siguradong 'di nya kayang ikutin ang kalakihan nito. Naupo ako sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ko kung anong bagay ang biglang papasok sa utak nya. Natawa ko nang sumimangot sya. Sumandal ako't nagtulog-tulugan nang makita kong paparating sya.

"Nagtataka ko kung bakit ayaw mo sa lugar na 'to," panimula nya. Hindi ako sumagot, kunwari malayo na narating ko. "Simple, maganda, at nakaka-relax"

"Kung tulad mo kong lumaki sa maynila, ganyan din siguro sasabihin ko"

"Bakit? Hindi mo ba mahal yung lugar kung saan ka nanggaling?"

"Iba yung pagmamahal sa pangarap," umayos ako ng pagkakasandal. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata para silipin sya. Nakasilip ang kanyang mata sa lente ng camera habang kumukuha ng litrato. "Gusto ko dito, pero may pangarap din ako"

"Pero Estong! Ang pangarap ay sinasamahan ng pagmamahal para makamit mo. Tulad yun ng isang simpleng bagay na gusto mong makuha. Parang babae. Mahal mo, pinapangarap mo, kaya gusto mong makuha. Hindi naman pwedeng gusto mo lang sya, pero 'di mo naman mahal. Display?"

"Nasasabi mo lang yan kasi 'di mo pa nararanasan"

"Nasasabi ko yan dahil ginagawa ko na ngayon," giit nya. "Oh, ito!"

"Anong gagawin ko dyan?"

"Punta ka dun sa malayo para kumuha ng picture, nakakapagod e!"

"ANO?!"

"Please!"

Kung hindi lang ako tinamaan sa huling sinabi nya, hindi ako tatayo. Nilakad ko mga dalawampung dipa ang layo sa kanya. Sa halip na rice field. Si Marta ang naging produkto ng bawat kuha ko. Letse talaga! Hindi maipagkakaila ang tama ko sa kanya. Nang matapos halos ipukpok nya sa ulo ko yung camera.

Napanood ko yung Pursuit of Happiness. Naalala ko yung linyang "You got a dream. You gotta protect it. People can't do somethin' themselves, they wanna tell you you can't do it. If you want somethin', go get it. Period" Akala ko tapos na ang ligaya sa isang bagay na pinapangarap mo at nakuha mo na. Hindi pala talaga pwedeng sukatin ang kaligayahan at 'di pwedeng tapusin sa salitang period. Habang nasa daan pauwi, nalaman kong unlimited pala ang tuwa lalo't mahal mo ang pinapangarap mo, na ngayo'y.. Katabi ko lang. Nakangiti, at tila walang pakielam sa mundo.

"Thanks!"

"Thank you lang?" biro ko habang pasimpleng kinukuha ang awa nya para makatikim ng kiss man lang.

"Thank you talaga!"

Napawi ang tuwa ko ng sumalubong samin ang isang itim na auto sa harap ng aming bahay. Napahinto si Marta. Dahan-dahang bumukas ang pinto sa likod. Napalunok ako ng niluwal nito si Nancy. Hindi na ko magtataka kung sino ang driver. Ilang segundo pa nasa harap na namin si Mr. Reonico. Tapos na ba? Sumagi sa isip ko ang period sa kwentong pag-ibig na ngayon pa lang sana isusulat.

tbc..


1, 2, 3, 4

$
0
0
Sa lawak ng kisame namin sa bahay, bakit kaya sa dibdib ko pa napiling magtago ng mga daga? Parang eksenang haharapin ko ngayon. Hindi naman iba ang babaeng inaabangan ko sa harap ng hospital, pero ang kaba ko'y abot langit. Bawat taong lalabas sa tagusang salamin inaakala kong sya. Ganoon ba talaga magmahal ng tunay? Ang pagtawa sa teleseryeng napaka-corny noon, ay 'di ko na yata magagawa ngayon. Hindi pala porket marunong silang umarte ay hindi ibig sabihin na hindi nangyayari iyon pag-cut ng director sa nakakakilig na eksena. Ngayon, alam ko na kung bakit napapahawak sya sa dibdib nya at nagkukusot ng luhaang mata sa tuwing maghihiwalay ang mga bida.

"Kanina pa kita hinahanap tol!" bihis na bihis at mukhang dadalo ng kursilyo si Evan ng salubungin nya ko ng ngiti. "Bakit dito ka naghihintay?"

"Presko hangin eh, tagal pa ba sya?"

"Palabas na, napasarap yata ang kwentuhan doon sa doktor nya"

Umiling ako ng ilang ulit, "Tol, di ko yata kaya.."

"Kaya mo yan! Gawin mo lang yung mga itinuro ko sayo. Paano nya malalamang mahal mo sya?"

Oo nga naman, paano nya nga pala malalamang mahal ko sya, kung ang simpleng pagsasabi lang ay 'di ko magawa? Hindi naman pwedeng yakapin ko nalang sya bigla para iparamdam lang sa kanya. Baka maiyak pa ko't mauwi lang sa tawanan ang lahat. Tama ang kapatid kong si Evan. Mapapanis ang linyang "action speaks louder than words" kung ang pagsasabi ng nararamdaman ay may halong sincerity. May silbi talaga sya kahit sa tulad kong minsan lang din dapuan ng silbi.

"Oh, ayan na sya!"

Hinanap ko sya dami ng taong sunod-sunod na lumabas sa entrance ng hospital. Halos humaba ang leeg ko, makita ko lamang ang kanyang mukha. Hindi na napigilang lumabas ng aking ngipin ng mapansin kong papalapit na sya sa amin. Lumakas na naman ang kabog sa dibdib ko na parang may linyang dinadaan ng lindol. Umiikot sa isip ko ang mga salitang dapat kong sabihin. Alam kong magagalit sya at guguhit ang linya sa kanyang noo na nagsasabing huwag nang pag-usapan ang mga nakaraan. Pero.. walang ibang pagkakataong katulad nito. Kailangang malaman ng babaeng inaabangan ko ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko.

Hahakbang na sana ko para mas matitigan ko pa ang mukha nya, kaso may aninong humarang sa daraanan ko. Sinira ni Jing ang moment ko. Ang yakap na nakalaan para sa babaeng mahal ko, ay naagaw na nya. Mahigpit at halos di ako nakahinga.

"Ivan! Bakit 'di mo sinabing pupunta ka? Pa-secret secret kapa, dito ka din pala pupunta!" panira talaga ng buhay minsan ang girlfriend. Kung alam ko lang na darating sya dumiretso na sana ako sa loob.

"Hi Jing! Nice to see you again!"

"Hi Tita! Nakalabas kana pala! Kamusta na po?" makailang ulit ko nang napanood ang ganitong eksena sa tuwing magkikita sila. "Ilang beses ko na pong sinasabihan itong si Ivan na dumalaw sa inyo. Aayaw-ayaw pa, yun pala pasikretong pupunta"

"Yari! Naunahan ka!" biro ni Evan.

"Gusto yatang mag-sorry, nahihiya lang!" singit ni Jing. "Hindi daw po nya talaga sadyang ma-ospital kayo. Tigas-tigas kasi ng ulo!"

Ngumiti lang sa Inay. Kung pwede lang mag-evaporate sa hiya ginawa ko na. Hindi ko naman talaga gustong suntukin ang lalaking kinakasama nya, kung 'di ko din naman sya nakitang lumuluha. Ilang beses ko na din syang sinabihang 'di totoo ang teleserye para iyakan, pero sa huli may drama pa din palang naghihintay.

"Hay naku! Hayaan nyo na yan si Ivan, ganyan lang talaga magmahal yan sa nanay nya" si Inay.
Viewing all 32 articles
Browse latest View live